Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
aldub

AlDub hibang pa rin na magkakatuluyan sina Alden at Maine

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

DUMALAW noong isang araw  ang main cast ng Start Up PH sa Davao City para makapiling ang mga supporter nila. Full to the max ang venue ng meet ang greet event ng apat na lead stars. 

Sa mga nakita naming pictures ay hindi magkamayaw ang mga tao sa loob ng Abreeza Mall sa Davao City. Malaking bagay ang madalaw sila nga mga artistang iniidolo nila na ang ilan sa kanila ay hindi pa nakararating sa Manila. Kaya malaking bagay sa kanila ‘yun na hindi nila malilimutan lalo na ang apat na sikat na mga artistang ito.

I am sure may mga magne-nega na naman lalo na ang ilang ALDUB fans na hanggang ngayon ay hibang pa rin at umaasa na magkatuluyan sina Alden Richards at Maine Mendoza at naniniwalang may anak ang dalawa kahit ipinagsisigawan na engaged na si Maine kay Congressman Arjo Atayde. Hay naku, ewan ko ba.

Anyway, sa buwang ito magtatapos ang Start Up PH at isa ako sa sumusubaybay sa nasabing teleserye at nalulungkot ako na kay Tristan napupunta ang atensiyon ni Dani at mawawala sa alaga kong si Dave. Hindi bale Dave at may bago kang gagawing teleserye na kakaiba ang karakter mo at tiyak ako mag-e-enjoy ka.

Kaya tutok na sa Start Up PH gabi-gabi sa GMA7.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …