Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
toni gonzaga

Toni Gonzaga naiyak sa isang show noong baguhan pa

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGBALIK-TANAW ang Multi-Media Star na si Toni Gonzaga sa naging journey ng kanyang career for 20 years at ibinahagi niya ito sa mediacon ng kanyang concert na I am Toni …. 20th Anniversary Concert na ginanap sa Winford Casino Manila.

Kuwento ni Toni, “Favorite memory ko, when I was starting as a singer, kumakanta akong mag-isa, Pasko sa Casino Filipino.

“Roon ako nakapuwesto, December 24 or December 25, hindi ko na masyadong matandaan, basta Pasko ‘yun. Tapos, siguro, 17 or 18 years old lang ako noon,” 

Iyon ang araw na kinakanta niya ang Pasko Na, Sinta Ko pero walang nakikinig sa kanya dahil lahat busy sa pagsusugal.

Lahat, nagga-gamble, lahat nasa slot machine. Sabi ko, ‘ano bang ginagawa ko rito?’” tanong niya sa sarili.

“Parang hindi ginagawa ng isang normal na 18 years old na kumakanta sa isang gambling area na lahat, nasa slot machine, na walang nakikinig.”

Kaya naman ‘di nito naiwasang maiyak habang kumakanta, hanggang may isang player na lumapit sa kanya na marahil ay naawa at nagbigay ng chip.

Tapos, after ko umiyak, nagpunta ako sa CR, tapos hindi pa ako natapos, doon ako nagdrama, umiyak talaga ako.

“Tapos naaalala ko lang, parang sinabi ko sa sarili ko na ‘one day, kapag may hawak na akong mikropono, may makikinig na sa akin.’ ‘Yun lang ang sinabi ko sarili ko.

“And then, I pursued my career, I continued, I sang in different hotels, different bars, hanggang sa one day, ‘pag hawak ko na nga ‘yung microphone, makikita ko kapag mga live shows, big events, nakikinig na sila.

Tapos sabi ko, ‘ay naalala ko ‘yung moment when nobody was listening to me.”

At naging inspirasyon ito ni Toni para paghusayan pa ang kanyang trabaho at makamit ang kasikatang tinatamasa niya ngayon.

I’m so grateful na makarating sa ganitong milestone ng ating journey dito sa industry and I’m also very excited to celebrate it with everyone,” ani Toni about her 20th anniversary concert na eksaktong birthday pa niya ang date.

It’s a celebration of milestones, of journeys, of the ups and downs, the learnings, and parang where I came from, where I am today and where my life is heading after 20 years,” sey pa ni Toni.

Ang I Am…Toni…. 20th Anniversary Concert na gaganapin sa January 20, 2023 sa Araneta Coliseum ay produced ng 

Godfather Production ni Joed Serrano, Ovation at ni Mommy Pinti Gonzaga, sa pakikipagtulungan ng Ever Bilena at Hello Glow.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …