Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vhong Navarro Arrest NBI

Vhong Navarro matagal nang hinihintay ng mga inmate sa Taguig City Jail

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY nagkuwento lang sa amin, matagal na raw palang hinihintay sa Camp Bagong Diwa, o Taguig City Jail si Vhong Navarro, lalo’t matapos na iutos ng korte ang paglilipat sa kanya roon, na tinututulan naman niya. Gusto ni Vhong na manatili siya sa NBI detention center, na mas komportable ang kanyang kalagayan.

Pero hindi ganoon ang sinasabi ng batas. Kaya lang may detention center ang NBI ay para sa mga kasong iniimbestigahan nila at kung matapos na ang imbestigasyon, dapat ilipat na nila ang nasasakdal sa BJMP. Pero nagtatagal pa rin nga si Vhong sa NBI, dahil siguro sa mabagal na proseso ng mga papeles ng paglilipat sa kanya, o dahil sa patuloy niyang pagtutol na mailipat sa city jail.

Ang sinasabi niyong asawa ni Vhong, natatakot sila para sa kanyang kaligtasan. Pero kung matututo naman siyang makisama nang mabuti roon, walang gagalaw sa kanya. Hindi rin naman siya involved sa isang high profile crime. Kaya lang napag-uusapan ang kaso niya ay dahil artista siya.

Iyong sinasabi namang matagal na siyang hinihintay sa city jail, iyon ay dahil umaasa rin ang mga inmate na kung magkakaroon ng isang artista sa loob, baka mas mapansin kung ano ang mga kakulangan doon at kanilang mga kailangan. Siyempre basta may artistang nakakulong, pupuntahan iyan ng media at titingnan kung ano ang kondisyon.

Umaasa rin sila na kung makakasama nga nila si Vhong sa Pasko, maaari silang magkaroon ng isang party at si Vhong ang kanilang star performer. Magiging masaya nga naman ang kanilang Pasko kahit na

paano.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …