Wednesday , May 14 2025
Anne Curtis Ion Perez Jackie Gonzaga

Anne Curtis balik sa buwis-buhay stunts, nagpaiyak sa Magpasikat

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

NAGPAKITANG-GILAS si Anne Curtis sa kanyang buwis-buhay stunts pero mapuso ring performance kasama sina Jackie Gonzaga at Ion Perez sa Magpasikat sa It’s Showtime noong Lunes, Nobyembre 14.

Ang grupo nina Anne ang nagbukas ng Magpasikat 13th anniversary celebration ng It’s Showtime. Ang Magpasikat ay ang taunang all-out showcase at friendly competition ng lahat ng hosts ng naturang Kapamilyanoontime show.

Extra special ito para kay Anne dahil ito ang pagbabalik niya sa Magpasikat pagkatapos ng dalawang taon. Taong 2019 pa nang huli siyang sumabak sa Magpasikat bago siya maging isang ina. 

Ayon nga sa tweet ni Anne, “Here we gooooo! My first Magpasikat since I left and became momma Hope you guys enjoy what our whole team has prepared for you guys! Let’s go team AJI Anne-Jackie-Ion!”

Kaya naman may kinalaman sa pagiging ina ang tema ng kanilang production number na inialay niya sa kanyang ina na nag-birthday. Ang bonggang pagganap ni Anne kasama ang batang si Quincy Calma ng mother and daughter relationship ang nagpaiyak sa mga manonood at netizens.

Kahit isa nang ina pinatunayan ni Anne na kaya pa rin niyang gumawa ng buwis-buhay stunts nang magpasirko-sirko siya habang naka-harness. 

Hindi rin nagpahuli sa paggawa ng stunts sina Jackie at Ion. Si Jackie nagpakitang gilas sa silk dancing at aerial acrobatics. Si Ion naman kahit nagkaroon ng injury sa kamay ay itinuloy pa rin ang pagbalanse at stunts sa iron bar.

May pasabog din silang rebelasyon dahil ang istorya ng kanilang number ay ginawan din nila ng katumbas na children’s book na Ang Nanay Ko Ay Dyosa.

Tumanggap naman ng mga positibong komento at papuri ang grupo nina Anne, Jackie, at Ion mula sa mga hurado na kinabibilangan nina John Arcilla, Baron Geisler, Janice de Belen, Darren Espanto, Pia Magalona, at ABS-CBN executive Ernie Lopez.

Samantala, narito rin ang papuri ng ilang netizens:

That heartfelt performance got me teary-eyed. Ate @annecurtissmith, you are forever Dyosa. What a beautiful story of mothers’ unconditional love — kumikinang, nagniningning at kahali-halina!”

‘Congrats to our Dyosa Anne Curtis for doing this emotional &very personal performance. Ion and Jackie did great too.Ion looks so hot.Pwede sya i cast as Villain Sa darna.Its the simplest look of Anne as Dyosa but still look beautiful. Congrats Team Anne”

“@annecurtissmith You and your team did very well in Magpasikat. I thought I was the only one crying while watching it. Soon to be a mommy here. Thank you for being a good inspiration. I’m so grateful.”

Gagawin ang lahat ng INA para sa kanyang ANAK galing galingg anne, jackie and ion. Congratulations”

“Gusto mo yon may pa-children’s book?! She is actually pushing for more kids to read books again with their parents especially during bedtime. Entertaining and educational. Ang talino!!” 

About Glen Sibonga

Check Also

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis swak na endorser ng Belle Dolls Zero Filter Sunscreen, Rhea Tan idiniin kahalagahan ng skin care sa mga lalaki

SOBRANG thankful si Dennis Trillo na finally, officially ay part na ng Beautederm family ang …

Nadj Zablan Laya

Kantang Laya ni Nadj Zablan nabuo pagkatapos ng pandemya

MATABILni John Fontanilla TIMELY ang bagong kanta ng Pinoy Alternative Rock Singer-songwriter na si Nadj Zablan na Laya na …

VMX Karen Lopez

VMX star Karen Lopez ilang araw ng nawawala

MATABILni John Fontanilla HINDI makontak ilang araw na at nawawala ang VMX (dating Vivamax) star na si Karen …

GMA Election 2025

Pinakamalaki, komprehensibo, pinagkakatiwalaan hatid ng Eleksiyon 2025: 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na …

COMELEC Vote Election

Konsensiya at puso gamitin sa pagboto

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ESPESYAL ang araw na ito para sa bansa. Huhusgahan na natin …