Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Christian Bables, Keempee de Leon, Iana Bernardez, Katya Santos Perci Intalan

Direk Perci humanga sa pagiging natural ng Mahal Kita, Beksman cast

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

HUMANGA si Direk Perci Intalan sa galing at pagiging natural ng cast ng Mahal Kita, Beksman kaya naman lumabas na maganda ang mga eksena sa pelikula.

Napabilib nga si Direk Perci nina Christian Bables, Keempee de Leon, Iana Bernardez, Katya Santos at maging ng iba pang cast sa pelikula.

Ayon nga kay Direk Perci, “Alam mo ‘yung pagiging natural nilang lahat. Siyempre inaral nilang lahat ‘yung kanilang karakter, pinaghandaan. Pero ang nakita sa screen ay totoong tao. Like si Katya, ‘yung one scene na naramdaman mo na mahal talaga niyong nanay ‘yung anak. Tanggap, hindi malaking speech. Sinabi niya, ‘kung gusto mong maging gwapo ngayon, bukas maganda, go lang.’

Si Keempee ganoon din, ang natural eh. Kunwari ‘yung mga bato na, ‘etchosera,’ mga ganoon. Natural na natural na nababato.

“Tapos si Iana napaka-prim and proper, parang hindi mo iisipin na mayroon siyang ibang motibo sa character na napaka-pure. Pero maiintindihan mo kung bakit na-in love si Dali (Christian) sa kanya kasi napakasimple ng atake and I like that.

“And of course, si Christian… FYI ang ganda ng script ni Fatrick (Tabada), pero ang daming punchlines na si Christian Bables ang nagdagdag. Kaya naging ‘Barney,’ kaya naging ‘patayin mo ‘yung gasul,’ lahat ng hirit doon sa volleyball ay si Christian.

Pati ‘yung ibang cast… Actually, kaya ipinaglaban ko ‘yung end credits kasi sabi ko hindi lang sila dapat makita lang as names on the list kasi ang gagaling nilang lahat. Kaya I’m really grateful to the whole cast.”

Produced by Viva Films and The IdeaFirst Company, ang Mahal Kita, Beksman ay ipalalabas sa mga sinehan nationwide simula sa Nobyembre 16. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …