Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Karen Davila Korina Sanchez

Korina-Karen pinagtapat, kompetisyon ‘di maiwasan

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Karen Davila sa talk show ni Korina Sanchez sa NET25, ang Korina Interviews noong Linggo ng hapon, pinag-usapan nila ang sinasabing iringan nila sa ABS-CBN News Room noon.

Nang i-reformat kasi ang ABS-CBN prime-time newscast na TV Patrol noong 2004, si Karen ang pumalit kay Korina bilang news anchor.

Noong taong iyon ay nag-host si Korina ng sarili niyang programa, ang Rated K.

Balik-tanaw ni Korina, “Naunahan pa ng intriga. ‘Ay, ang pumalit kay Korina si Karen, so baka galit si Korina kay Karen.’

“Actually, hindi ah. Decision ng management iyon na pinalitan mo ako sa ‘TV Patrol.’ And there was [no animosity].

“Remember when Mar (Roxas, mister ni Korina) ran, I even invited you? Wala talaga ‘yun kasi decision talaga iyan ng mga boss namin noong mga panahon na iyon.”

Tingin naman ni Karen, hindi maiwasang pagtapatin sila dahil sa nature ng kanilang trabaho.

Sabi ni Karen, “Feeling ko, because workwise, parang it was such a competitive environment where we used to work.

“Parang they would always pit people against each other, perhaps.

“It would be, let’s say after Korina, nandiyan si Karen.

“Napakahirap din niyon for any woman, ha. Kasi nga you feel minsan either may hinahabol ka or hinahabol ka.”

Nanghihinayang si Karen dahil hindi sila nabigyan ng oportunidad na mas magkakilala ni Korina noong nasa ABS-CBN pa ang huli.

Of course, you were very busy. But I feel it was a lost opportunity for me, for both of us,” ani Karen.

Sang-ayon ni Korina, “Sobrang busy. Iba-iba ang schedule natin.

“It’s not like nakakahuntahan ko nang madalas si Bernadette (Sembrano) or even Loren (Legarda). Talagang ang nakakausap ko lang ay si Ted (Failon) kasi siya ‘yung partner ko.”

Ang Korina Interviews ay napapanood sa NET25 tuwing Linggo,5:00 p.m..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …