Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
The Beer Factory

CJ Quianzon nanggulat sa binuksang negosyo

HARD TALK
ni Pilar Mateo

ISA siyang investor, venture capitalist, at seril entrepreneur.

Ganyan inilalarawan sa kanyang social media accounts si CJ Quianzon, ang owner at CEO ng Beer Factory Philippines sa Eton Centris (na nasa kanto ng EDSA at Quezon Avenue sa Kyusi) na pinasinayaan kamakailan.

Bongga ang blessing ng bagong e-enjoyin hindi lang ng mga mahilig uminom kundi ng buong pamilya dahil na rin sa treats sa kanilang menu.

Flashy cars na mga Porsche na nakahanay sa harap ng venue ang sumalubong sa guests at mga bumisita (free for all ang invitation) sa nasabing event. At naroroon ang mga may-ari like CJ ng nasabing mga sasakyan.

Kasama ni CJ ang mga partner niya sa business at gaya niyang car enthusiasts at collectors.

Dahil sa sobrang kaabalahan ni CJ, tinatanaw at pinanonood namin ito at mga kasama sa mga galaw nila that night.

Enjoy ang mga tao sa inanyayahang performers gaya ni Kean Cipriano gayundin ng  Mayonnaise, Flow G, Loki, Nobita, JRoa, DJ Alondra Cleofa at ang hosts na sina Valeen Montenegro at Diane Medina.

One of these days, makakausap na rin namin at maiuupo ang nasabing CEO! Pinag-e joy lng muna niya ang kanyang friends and guests. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …