Saturday , November 23 2024
Movies Cinema

Big investors kailangan para sa mahuhusay sa pelikula 

HATAWAN
ni Ed de Leon

SINASABI ni FDCP Chairman Tirso Cruz III, na dapat maibalik ang mga pelikulang Filipino sa mga sinehan. Eh alam naman siguro ni Tito Pip kung paanong magagawa iyan. Gumawa tayo ulit ng magagandang pelikula. Habang ang mga producer ay iginigiit ang mga low budget films na puro sex, paano tayo makababalik sa sinehan?

Ang kailangan ay makahimok tayo ng mga bagong investors na gagawa ng mahuhusay na pelikula. Marami kasing major producers ang nawala sa atin. Ilang pelikula nga ba ang ginagawa ng Star Cinema, pero dahil nasara na rin ang mother company nilang ABS-CBN, pilay na rin sila. Ang kailangan ngayon mga bagong investors na matino, at sa tingin namin makukumbinsi lang nila ang bagong investor  na matino kung may maiaalok silang tax incentives. Maaaring alisin na iyang EVAT sa admission prices ng sinehan, dahil katakot-takot na EVat na ang kinita ng gobyerno sa raw materials pa lang ng pelikula. Kung gagawin kasi iyon, bababa ang admission prices ng sinehan at mas dadami ang nanonood ng sine. Eh ngayon ang mahal eh, apat na kilong asukal o walong kilong bigas ang katapat ng isang admission ticket sa sine.

Sino papasok? Maghihintay na lang iyan ng pirated.

Alam naman ni Tito Pip kung ano talaga ang problema ng industriya ng pelikula, bukod pa nga sa mas magaganda at ginagastusan ngayon ang mga serye sa telebisyon kaysa pelikula.

May pag-asa pa naman ang industriya, pero napakalaking trabaho iyan para kay Tito Pip., Lalo na’t marami sa mga tao sa industriya ngayon ang “matigas ang ulo.” 

About Ed de Leon

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …