Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera Sanya Lopez Bea Alonzo

Projects maliliit hindi pinag-uusapan
BEAT AT MARIAN ‘DI TAMANG PAGSABUNGIN 

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATAWA kami roon sa linyang “pinagsasabong” umano sina Bea Alonzo at Marian Rivera sa ngayon. Parang hindi naman match, dahil hindi naman masyadong malaki ang mga project na ginagawa nila sa ngayon. Sinasabi nga mataas ang ratings at trending sa social media, pero ewan kung bakit hindi namin naririnig sa mga kuwentuhan. Ibig sabihin mababa ang recall.

Ang mas pinaniniwalaan naming malakas talaga ay iyong maririnig mo sa mga Marites hanggang kinabukasan kung ano man ang napanood nila sa sinundang gabi. Basta malakas ang recall sa tao, iyan ang mga serye na interesado sila.

Ang naririnig naming napakalakas ng recall ay iyong mga serye pa ni Sanya Lopez, na nalampasan na nga ng dalawang kasunod na pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon. Taas noo pa rin ang mga Yaya dahil kay Sanya. Eh bakit iyong dalawa ang pagsasabungin, bakit hindi sila ilaban kay Sanya?

Sasabihin naman niyong mga kritikong pulpol na si Sanya ay nakasakay lang sa popularidad ni Gabby Concepcion, aba kung matutuloy nga ang usapan niyon na si Marco Gumabao ay itatambal din sa kanya, makikita ninyo ang lakas ni Sanya. Alalahanin ninyo, bumagsak ang pelikula ni Marco na partner si Sharon Cuneta. Pero palagay namin magkakabatakan sila pataas ni Sanya. Mas bagay kasi kay Marco iyong match lang ang leading lady, hindi iyong kuwentong May-December affair gaya ng pelikula nila ni Sharon. Sino ba naman ang maniniwala na ang isang poging batang gaya ni Marco ay mababaliw sa mas matanda sa kanya at mataba pa noong si Sharon? Kaya nga si Daryl Yap gumawa na lang ng kuwento ng mga kasambahay sa Malacanang eh.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …