HATAWAN
ni Ed de Leon
MUKHA ngang totohanan na ang sinasabing relasyon nina Joshua Garcia at ng social media influencer at content creator na si Bella Racelis. Lalong kinilig ang fans nang mag-comment si Joshua nang “first” sa isang post ni Bella sa social media. Mukha ngang mas kinikilig pa ang fans kina Joshua at Bella kaysa binubuong love team nila ni Jane de Leon na tila walang dating.
Kawawa rin naman si Jane, dahil puro kritisismo ang naririnig sa kanyang pagganap ng Darna. May masakit pang sinabing para raw mas bagay siyang maging “babaeng tuod” kaysa Darna. Anyway, ang balita naman namin hindi na tatagal ang seryeng iyan, gusto lang siguro nilang masulit ang gastos sa CGI at iba pang effects.
Bakit kaya hindi nila kumbinsihing mag artista na rin si Bella at ipartner nila kay Joshua? Tiyak mas magiging hit pa iyon.
Tiyak din naman na kung sa pelikula sila magtatambal, “walang sauli pera” dahil hindi tuloy ang screening sa sinehan dahil walang nanonood.