Sunday , December 22 2024
Money Bagman

May pandemya o wala, ayuda kailangang ibigay – solon

SA GITNA ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa, sinabi ni Marikina Rep. Stella Luz Quimbo na kinakailangang magbigay ng ayuda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) may pandemya man o wala.

Si Quimbo, senior vice chairperson, ay nanawagang ituloy ang mga ayuda ng gobyerno para sa mga nangangailangan kasabay ang pagtaas ng pondo ng Kagawaran ng Agrikultura.

“Kaya importante ang DSWD assistance programs, we have to make sure na ang ating mga kababayan na nangangailangan, nandiyan ang sufficiently funded na iba’t ibang assistance programs. With or without the pandemic, dapat may assistance programs talaga,” ani Quimbo.

Ayon kay Quimbo, ang digmaan ng Russia at Ukraine ang sanhi ng pagtaas ng interest rate sa Estados Unidos na nagresulta sa mataas na inplasyon sa bansa.

“Kung titingnan natin, ang source kasi ng inflation rate is really beyond our control. Una riyan of course ang nangyayaring digmaan sa Russia at Ukraine na nagpapataas ng presyo ng langis, number two iyong pagtaas ng interest rate ng US. Sabi nga nila, kapag humahatsing ang US, iyong maliliit na katulad natin sinisipon, so ganoon e,” paliwanag ni Quimbo.

Ayon kay Quimbo, ang pagtaas ng pondo ng Kagawaran ng Agrikultura sa halos 40 porsiyento sa susunod na taon at ang subsidyo na ipinamamahagi ng DSWD para sa mahihirap ay makatutulong na maibsan ang dagok ng mataas na inplasyon.

Aniya, importante na tumaas ang pondo ng agrikultura.

“Kaya importanteng tumaas ang budget ng DA. As we know, iyong inflation rate kasi weighted average iyan ng inflation rate ng iba’t ibang commodities. As we know, iyong commodity na mayroong pinakamalaking weight is of course food, one way to reduce food inflation rate is to ensure na mayroon tayong adequate supply,” anang kongresista ng Marikina.

“So ibig sabihin, kailangan nating palawakin ang suplay ng agricultural crops natin. Nandiyan ang bigas, corn, of course nandiyan ang karne, ang fish at meat,” aniya.

Nasa tamang direksiyon ang pagtaas ng pondo ng agrikultura.

“So tama naman po ang direksiyon ng ating gobyerno na bigyan ng sapat na atensiyon at sapat na increased ang budget ng Department of Agriculture,” aniya.

“Kapag dumarami kasi iyong suplay natin, ang ibig sabihin puwede nating mapababa ang presyo ng pagkain,” giit niya.

Nakakuha ng P46.5 bilyon o 39.62 porsiyentong pagtaas ang Kagawaran ng Agrikultura mula sa kasalukuyang P117.29 bilyon hangang P163.75 bilyon para sa 2023. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …