Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maja Salvador Asia’s Pinnacle Awards

Maja kinilalang successful businesswoman sa Asia’s Pinnacle Awards

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

MASAYA ang Oh My Korona star na si Maja Salvador dahil isa siya sa tatanggap ng recognition sa Asia’s Pinnacle Awards 2022, isang Filipino award-giving body na kumikilala sa mga successful people in business. 

Talaga namang successful ang Majestic Superstar ng TV5 dahil bukod sa bongga niyang showbiz career ay isa rin siyang kahanga-hangang businesswoman dahil sa Crown Artist Management (CAM), ang talent management agency niya na pinamamahalaan nila ng fiance niyang si Rambo Ortega Nuñez

Isa sa malalaking proyekto ng CAM ay ang pag-produce nito ng pinagbibidahang sitcom ni Maja na Oh My Korona na kasalukuyang umeere sa TV5.

Patuloy na nagbibigay saya si Maja at ang kanyang mga kasama rito gaya nina Joey Marquez at RK Bagatsing. Isa na namang kuwelang episode ang umere noong nakaraang Sabado na balak nang ibenta ni Lablab (Maja) ang Korona Residences at habang naglilinis ay sinabihan niya si Emy (Queenay) na tanggalin ang mga kahon. Pero narinig ito ni Gerry (Pooh) at inakala na may paaalisin si Lablab sa Korona Residences. Halo-halong mga nakatatawang eksena ang naganap sa mga karakter kaya nakakwiwiling subaybayan ang sitcom na ito. 

Directed by Ricky Victoria, ang Oh My Korona ay mapapanood tuwing Sabado, 7:30 p.m. sa TV5.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …