Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
AJ Raval Jeric Raval

Jeric nag-walk out kay AJ; Sexy scenes hindi kinaya

HARD TALK
ni Pilar Mateo

NANG MATAPOS ang screening ng Sitio Diablo na mag-i-stream sa Vivamax sa August 26, 2022, sinalubong namin ang pabalik sa sinehan at upuan niya na tatay ni AJ Raval na si Jeric.

Tinanong ko ang reaksiyon niya sa mga eksena ni AJ sa pelikula

Hindi ko kinaya,” ang bulong sa amin ni Jeric. “Lumabas ako, eh!”

Nang usisain kong muli si Jeric sa presscon proper, sa question and answer, sinabi nitong lumabas nga siya.

May tumawag kasi sa akin. Kasi may patay kami. Lola ni AJ. Kaya hindi ko maabutan ang mga sexy scene niya. ‘Yung mga action scene. 

“Happy naman ako. Sana ma-maintain nila ‘yung ganyan. Gusto ko family-oriented gaya ng ‘Easter Sunday’ ni  Jo Koy. Hindi dahil sa anak ko pero alam ko she will go places.”

Balitang buntis.

Ayokong makialam sa mga ganyan. The less you speak about it, the better it will be. Pabayaan na lang. Parte ng pag-aartista. Ng promo ng movie.

“If ever, lagi ko sinasabi dapat nasa tamang edad at stable na. ‘Di naman namin napag-uusapan. Isa lang inuuwian namin.Sa condo. Nakikita ko naman siya lagi. Eh ‘di ako unang makakaalam. Mukhang hindi naman naapektuhan.

“When it comes to her  lovelife ‘di ko na saklaw ‘yun. ‘Di ko naman siya 24 hours nakakasama. Pinapayuhan na lang na mag-focus sa trabaho niya.”

Very supportive sa mga lalaking anak si Jeric. “Si AJ nga hindi ko alam na may pekikula na pala. Nagulat na lang ako may pelikila na. Wala ako social media. Sinasabihan ako, “Jeric, artista na anak mo ah.” Ang gusto ko makapagtapos muna siya. Pinaguusapan din namin. Kahit home study. Kaya nga ako nandito ngayon. Para suportahan siya, sila. Pwede naman takpan ang mata. Di pa 100 % na handang- handa.

“Si Vanessa. Okay na siya. Businesswoman. Pinagsabihan at  pinagalitan ko na… Nasa ‘Darna’ ako, and ‘Kalye Queens.’ Sa Vivamax naman, ‘yung ‘Relyebo.’”

Inaabangan na ang pagpapa-sexy niya.

Sa sexy ang  ibinebenta babae. Sila ‘yun. Hanggang dito lang ako. Basta ‘di malaswa ang dating. Sa super sexy na babae na lang ‘yun. With AJ dadating tayo riyan. Apart from Ace, nag-aartista rin si JayJay. Kailangan rappper sa eksena kaya nagulat na lang ako. Kaya sabi ko kaya na niya ‘yun. Ilabas na lang ang natural.”

Samantala, may nais  pa ring ipakita ang mga eksena ni direk Roman Perez, Jr. Sa pelikula, hindi nawala ang socio-political na mensahe ng pelikula. Gang wars. A love story sa loob ng patayan at awayan.

Ang “Sitio Diablo!” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …