Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rash Flores Brillante Mendoza

Rash Flores, excited na sa pelikulang Bata Pa Si Sabel

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SPEAKING of Jojo Veloso, isa pang talent niya na humahataw din ang showbiz career ay itong si Rash Flores.

Tinatapos ni Rash ang kanyang fourth film titled Bata Pa Si Sabel. Ito ay mula sa pamamahala ng internationally-acclaimed director na si Brillante Mendoza.

Tampok sa pelikula sina Angela Morena, Micaella Raz, Benz Sangalang, Gardo Versoza, JC Tan, Katya Santos, Aica Veloso, at Rey Abellana.

Inusisa namin si Rash sa kanyang bagong pelikula.

Kuwento niya, “Sa bago kong pelikula, hindi si Rash Flores ang makikita nila rito, sobrang ganda kasi talaga ng movie.

“Masasabi ko sa pelikulang ito, may pagka-action, then, more on suspense. Ito ‘yung fourth film ko po, nauna ‘yung Pornstar 2, Palitan, at Island of Desire ni Direk Joel Lamangan.”

Gumaganap siya rito bilang si Jethro, na body guard ng kababata niya, na anak naman ng mayor.

Aminado siyang excited na para sa bago niyang pelikula.

Masayang deklara ni Rash, “Masasabi kong sa mga nagawa kong pelikula, ito ang pinaka-the best, para sa akin. Kaya excited akong mapanood ito sa big screen, tapos ay sa Vivamax, super excited ako.”

Ipinahayag din ni Rash ang pagsaludo niya sa husay sa pagdidirek ni Mendoza.

Aniya, “Si direk Brillante, ang masasabi ko ay napaka-cool niyang direktor para sa akin. Hindi ka niya ipe-pressure at tutulungan ka niya para makuha mo ang mga eksenang dapat mong gawin.

“Kasi, mga heavy ang eksena na ito, actually noong first shooting day namin ay inuna na niya ang mahihirap na eksena, ‘yung mga heavy scenes namin,”

Ayon sa aktor, nag-enjoy siya sa pelikula dahil may mga eksenang sumabak siya sa aksiyon. Pero kaabang-abang din ang mga sexy scenes dito.

“Yes, may mga sexy scene kami rito, pero masasabi ko na kahit may sexy scenes, naka-focus siya roon sa story nito, napakagandang istorya nitong pelikulang ito,” sambit ni Rash.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …