Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sahil Khan Robin Padilla

Sahil Khan, wish makasama sa pelikula ang idol na si Robin Padilla

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG Viva contract artist na si Sahil Khan ay bahagi ng pelikulang Sitio Diablo na palabas na ngayon sa Vivamax. Tampok dito sina AJ Raval, Kiko Estrada, Benz Sangalang, Pio Balbuena, at iba pa.

Gumaganap si Sahil sa pelikulang pinamahalaan ni Direk Roman Perez, Jr., bilang bodyguard ng mayor.

Si Sahil ay isang businessman at may mga negosyo sa Pampanga. Isa siyang Filipino-Afghan, ang kanyang ama ay mula Afghanistan at ang kanyang doktor na ina ay isang Pinay.

Mapapanood din siya sa pelikulang Expensive Candy, starring Carlo Aquino at Julia Barretto. Sugar daddy ni Julia ang role ni Sahil sa pelikulang ito ni Direk Jason Paul Laxaman na showing na sa mga sinehan ngayong Sept. 14.

May mga planong proyekto sa kanya ang manager niyang si Jojo Veloso, pati na si Direk Roman Perez, Jr. Kailangan lang mas mahasa pa sa pagsasalita ng Filipino si Sahil.

Okay lang kay Sahil kahit dahan-dahan ang pag-usad ng kanyang showbiz career, pero wish niya na someday ay makagawa ng matinding action movie.

Nabanggit niyang masaya siya kamakailan nang na-meet ang action star at numero unong senador na si Robin Padilla. Ito’y sa Independence Day celebration ng Pakistan na si Sahil ay special guest at si Sen. Robin naman ang guest speaker. Kaibigan ni Sahil ang ambassador ng Pakistan to the Philippines na si Dr. Imtiaz Ahmad Kazi.

“My wish ay makagawa ng action movie kay Robin at sinabi ko ito sa kanya nang na-meet ko siya sa Independence Day celebration ng Pakistan,” nakangiting wika ni Sahil.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …