Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Christine Bermas Chloe Jenna Milana Ikemoto

Christine Bermas, may kakaibang ipakikita sa Lampas Langit

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NGAYONG August 19, mapapanood ang kakaiba at nakaiintrigang kuwento ng Lampas Langit, streaming exclusively sa Vivamax.

Isang Vivamax Original Movie, ang Lampas Langit ay isang sexy romance-thriller na pinagbibidahan nina Christine Bermas, Baron Geisler, Ricky Davao, Chloe Jenna, Ivan Padilla, Milana Ikemoto, at Quinn Carrillo.

Kuwento ito ni Jake (Baron), isang struggling writer na problemado rin sa asawang si Mylene (Chloe). Sa condominium na tinitirhan nila, makikilala ni Jake ang sikat na manunulat at ang literary idol niyang si Arman (Ricky), kasama nito ang palagay nilang anak niyang dalaga na si Belle (Christine).

Mapapalapit ang loob ni Jake kay Belle at magkakaroon sila ng sikretong relasyon. Malalaman ni Arman at Mylene ang tungkol sa relasyon ng dalawa, at dito na isa-isang mabubunyag ang iba’t ibang sikreto, pati na ang lihim sa totoong pagkatao nina Arman at Belle.

Magsisimula na rin magtaka at mapaisip si Jake sa mga paghihirap na nararanasan nila, pero ang inaakalang mapait at mapaglarong kapalaran ay isa palang planong matagal nang inihanda at pinag-isipan, na parang isang magandang nobela.

Matapos ang Scorpio Nights 3, ano naman ang bago niyang ipakikita sa Lagpas Langit?

Lahad ni Christine, “Sabi po nila ay itinodo ko na raw sa Scorpio…, kaya ano pa ang bago kong ipakikita in Lampas Langit? Sa totoo lang, nahirapan talaga akong bitawan ang character kong si Pinay sa Scorpio and dito sa aming new movie, less ang love scenes, more on acting siya at hindi basta sex lang ang makikita rito.”

Ayon pa kay Christine, ang bago niyang pelikula ay isang romantic thriller. “Kakabahan ka rito habang nanonood dahil sa mga plot twist. My character is not as wild as sa Scorpio, but it’s more challenging for me kasi manipulator ako rito. I play Belle, na akala nila sa simula, anak ako ni Ricky Davao.

“Then I have an affair with our neighbor, si Baron, who’s married to Chloe. Manipulative ako rito and I want to control the people around me. It’s new for me and not like any of the past characters I’ve done before.”

Esplika ng sexy actress, “Ang pinakaiba rito, may girl to girl sex scene ako with my co-star, si Chloe. I haven’t done such a scene before. May offers dati pero hindi ko tinanggap kasi parang mas mahirap gawin iyon.”

Ang pelikula ay mula sa pamamahala ng aktor at direktor na si Jeffrey Hidalgo, na naging direktor din ng 2021 Vivamax Original Movie na Eva.

Produced by Viva Films, ma-hook sa mga plot twist at kumapit hanggang sa dulo sa kuwento ng Lampas Langit na mapapanood na sa Vivamax simula August 19. Mag-subscribe sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …