INAPRUBAHAN sa committee level ng Senado ang panukalang pondo ng Department of Agriculture (DA) para sa susunod na taon.
Umaabot sa P79.15 bilyon ang budget ng DA at attached agencies nito, mas mataas nang mahigit P5 bilyon kompara sa budget ngayong 2013.
Sa kanyang presentasyon sa budget hearing, tiniyak ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na malaking bahagi ng kanilang pondo ay mapupunta sa farm to market road at irrigation projects.
Ito’y para mapabilis pa ang produksyon at pagluluwas ng agricultural products mula sa mga lalawigan patungong Metro Manila.
Nakapaloob din aniya rito ang pondo para sa agriculture modernization o pagpapaangat ng pagsasaka at pangingisda.
Kasama aniya sa kanilang target ang pagtuturo sa mga eskwelahan ng pagtatanim ng gulay.
(CYNTHIA MARTIN/NIÑO ACLAN)