Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin

Mahigit 2M views na
FINALE TRAILER NG FPJ’S ANG PROBINSYANO VIRAL

NAG-VIRAL sa social media ang finale trailer ng FPJ’s Ang Probinsyano, tampok si Coco Martin, matapos bumuhos ang pagmamahal ng netizens para sa iniidolo nilang karakter na si Cardo Dalisay na ilang taong sinubaybayan gabi-gabi ng milyon-milyong mga Filipino. 

Pormal nang inanunsiyo ni Coco na matapos ang halos pitong taon ay magtatapos na ang longest-running Philippine teleserye na pumukaw sa puso’t damdamin ng maraming Filipino. Agad na nakakuha ang video ng mahigit dalawang milyong views simula noong ini-release ito.

Mga ka-Probinsyano, dumating na po ang oras. Ang programang minahal ninyo ng pitong taon ay nalalapit na po ang pagtatapos,” ani Coco. 

Malungkot man na tayo’y maghihiwalay, pero walang hanggang pasasalamat ang aming nararamdaman. Nagbago man ang mundo, nandyan pa rin kayo. Kahit man po matapos ang teleseryeng ito, hinding-hindi po matatapos ang pagmamahal namin sa inyo,” dagdag pa niya. 

Ipinasilip din sa Ang Pambansang Pagtatapos finale trailer ang mga kaabang-abang na mga maaaksiyong eksena. Isa na rito ang paghahanda nina Cardo, Task Force Agila, at presidente Oscar (Rowell Santiago) para sa pinakamahalagang misyon nila na susubukan nilang patalsikin si Lily (Lorna Tolentino) para tuluyan na nilang maibalik ang kapayapaan sa bansa. 

Umaatikabong ratratan din ang dapat abangan ng viewers dahil nakatakdang magharap sa huling pagkakataon ang buong puwersa ng Task Force Agila laban sa kanilang mga mortal na kaaway. 

Naging emosyonal ang netizens matapos nilang ibahagi ang kanilang mga saloobin sa pagtatapos ng serye na nagbigay saya at namahagi ng mahahalagang mga aral sa loob ng halos pitong taon. Kaya naman numero unong trending topic sa Twitter Philippines ang “Ang Probinsyano” at “Cardo.”

Huwag palampasin FPJ’s Ang Probinsyano: Ang Pambansang Pagtatapos gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …