Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kylie Padilla Rayver Cruz

Tambalang Rayver at Kylie bentang-benta sa netizens

HATAWAN
ni Ed de Leon

NGAYON unti-unti nang lumalabas ang kuwento sa serye ni Kylie Padilla. Ang leading man na ngayon ay si Rayver Cruz, natatabi na si Jak Roberto. Iyon naman talaga ang inaasahan, dahil mas sikat namang ‘di hamak at mas maraming fans si Rayver kaysa kay Jak.

Ituloy mo iyan na ang bida ay si Jak, at kontrabida si Rayver, aba tingnan mo kung makaka-jackpot ka.

Pero may natanggap kaming feedback, kahit na nga umaariba ang drumbeating ng GMA at maging sila mismo sa social media na inili-link si Rayver kay Julie Ann San Jose, mukhang mas natuwa ang mga tao sa tambalan nila ni Kylie, kahit na sabihing wala naman silang relasyon.

Eh kasi aminin naman natin, ‘di hamak na mas malakas din ang batak ni Kylie kaysa kay Julie Ann. Eh isipin ninyo, nasa prime time pa sila, kailangan sakyan nila talaga kung ano ang gusto ng mga tao.

Iyong Kylie at Rayver masasabi mong mas tamang kombinasyon, kung hindi eh ‘di nangamote sila sa primetime. Nakahihiya, baka talunin pa sila niyonh nasa 20kw lang na free tv.

Mapapansin din siguro ninyo, lumalakas ang supporting cast ng serye. Ngayon ang kalaban na nila ay si Ina Raymundo. Palagay namin pagdating ng araw may papasok pang mas malalaking artista sa seryeng iyan. Aba dapat lang naman nakahanda sila, walang network na nakasisiguro sa ngayon. Hindi natin alam kung ano nga ang bubuksan niyang bagong network sa mga susunod na araw. Pero nagsanib na ang TV5, Zoe Tv, at ang cable at internet networks ng ABS-CBN. Hindi kami naniniwalang GMA 7 ang target niyan. Ang target niyan talaga ay ang bagong network.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …