Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nic Galano Doc Art Cruzada ARTalent

Nic Galano, maganda ang direksiyon ng career sa guidance ni Doc Art

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AMINADO ang guwapitong newbie singer na si Nic Galano na likas ang pagiging mahiyain niya. Obvious naman ito sa matipid niyang mga sagot sa mga tanong ng press sa kanya.

Pero kakaiba na kapag nasa stage ito at nagpe-perform. Obserbasyon nga ng maraming katoto sa panulat, nagiging tila halimaw pagdating sa kantahan ang transformation ni Nic. Bigay-todo kasi talaga ang kanyang performance na ikinabilib ng mga taga-press sa solo presscon na ibinigay sa kanya ng manager niyang ni Dr. Art Cruzada.

Ano ang wish niyang mangyari sa kanyang showbiz career and ano ang plano ni Doc Art sa kanya?

Tugon ni Nic, “Since naging passion ko po ang singing ay gusto kong makilala sa larangan na ito. Gusto kong makilala ako upang mas marami pa akong maging offers na mag-perform kung saan-saan.

“Gusto kong makapagpasikat ng sarili kong komposition at maipagmalaki ng aking lalawigan.”

Dagdag pa ng singer na tubong Tuguegarao City, Cagayan, “Ang magkaroon po ng single soon ang talagang nakalinya sa akin ayon kay Doc Art. I think they are working for it now for the arrangement of my original composition Tayong Dalawa.”

Kung mapunta sa kanya ang songs na ginawa ni Vehnee Saturno, ano ang magiging reaction niya?

Saad ni Nic, “Kung mapunta sa akin yung ginawang song ni sir Vehnee Saturno ay labis po akong magpapasalamat at matutuwa dahil ito ay isang malaking karangalan sa akin, dahil isa siyang kilala at batikang composer.”

Ang talented na si Nic ay naging qualifier sa 2018 Idol Philipppines. Kabilang sa hobbies niya ang photography, videoke singing, song composition, video games, at ball games. Siya’y varsity player din ng volleyball noong high school and sa college naman, naging skateboard champion ang 23 years old na si Nic sa local meets.

Si Nic ay endorser din ng Queen Eva Salon na patuloy na dumarami ang branches.

Abangan si Nic sa kanyang kauna-unahang concert na gaganapin sa Music Box sa August 11. Dito’y makakasama niya ang iba pang ARTalent artists na sina Dene Gomez at Trinity Band, plus surprise guests.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …