Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Alden Richards

Bea dapat nang asikasuhin ang career: serye kay Alden ‘di tiyak ang pagre-rate

HATAWAN
ni Ed de Leon

KUNG kami ang tatanungin, ok lang iyong sinabi ni Bea Alonzo na ok lang sa kanyang makatrabaho maski sino man sa mga “ex” niya maliban lang sa isa. Hindi man niya binanggit kung sino, tiyak na si Gerald Andersoniyon. Nakadalawang balikan na nga naman sila, masama pa rin ang naging katapusan, kaya hindi mo siya masisisi kung ayaw na niyang ma-associate kahit na sabihin mong trabaho lang sa dating

syota.

Karapatan niya iyon bilang isang artista at sa posisyon niya ngayon, maaari pa rin nga siyang mag-demand kung may taong ayaw niyang makatrabaho. Nangyayari naman iyan kahit na kanino. Maski naman siguro kayo may mga taong ayaw ninyong makasama sa trabaho.

Minsan nga may mga taong makita lang natin naaasiwa na tayo. Iyan ay normal na damdamin ng isang tao, at walang kaibahan si Bea.

Sa ngayon, kina Bea at Gerald, mas matatanong siguro si Bea kung payag siyang makatambal muli ang ex niya, kaysa ang ex niya ang matanong kung ok na kasama siya. Mas sikat pa rin nang kaunti si Bea, pero kung bumaliktad ang sitwasyon, lalo na ngayong hindi rin naman kagandahan ang takbo ng career niya dahil matagal na siyang hindi napapanood, para ngang wise lang na hindi na muna magbigay ng mga patapos na statement na gaya niyan.

Sabihin man niya iyan, at sagutin naman siya ni Gerald ng “eh ano,” ano nga ba ang magagawa niya?

Pero iyang si Bea dapat asikasuhin na niya ang career niya.

Iyang ginagawa niya ngayong kasama si Alden Richards ay hindi sigurado na magiging top rater, at kung hindi nga baka matagalan na naman bago masundan iyan. Kung sa bagay, may malaki na siyang farm, may bahay na sa Spain, maaaring doon na lang siya kung tumagilid ang career niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …