Saturday , May 10 2025
Red Velvet BGYO Bini  Lady Pipay

Red Velvet, BINI, BGYO, at Lady Pipay bibida sa Be You! The World Will Adjust 

HANDA na ang lahat para sa espesyal na advocacy concert na ang hangarin ay i-promote ang mental health awareness para sa mga taong may special needs na pinamagatang Be You! The World Will Adjust (An Extraordinary Celebration For People With Special Needs) sa Hulyo 22 (Biyernes, 7:00 p.m.) sa SM Mall Of Asia Arena at ito ay inisyatibo ng Purpose International Training Institute Inc.

Gumagawa at nagbibigay ang In Purpose International Training Institute Inc. ng mga tutorial trainings na nakasentro sa mga programa para sa skill development at special education para sa mga taong mayroong special needs.

Sa pamamagitan ng kanilang tagline na #YesToInclusion, layunin ng event na ito ang ipagdiwang ang diversity, individuality, at kalayaan ng self-expression lalo na sa mga taong may special needs. Nais ng event na lumikha ng isang bukas at ligtas na espasyo para ma-express ng lahat ang kanilang mga sarili at ipagdiwang ang buhay lalong-lalo na sa gitna ng mahirap na buhay dulot ng pandemya.

Sa ilalim ng direksiyon ni Alex Magbanua, bida sa concert na ito na talaga namang spectacular ang show ang mga powerhouse artists gaya ng Korean all-girl pop group na Red Velvet kasama ang mga homegrown Pinoy artists gaya ng BGYO, Bini, Aeron Mendoza, at Lady Pipay. Ipakikita rin sa concert ang mga inspiring testimonials na nag-aangat sa mga eksperyensya ng mga taong may special needs.

About hataw tabloid

Check Also

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …

Bam Aquino Dingdong Dantes

Dingdong Dantes: volunteer na ni Bam Aquino mula noong 2013

NAGPAHAYAG si Dingdong Dantes ng buong suporta sa kaibigan na si dating senador at independent senatorial candidate Bam Aquino, …

Ralph dela Paz

Ralph Dela Paz sunod-sunod ang proyekto

MATABILni John Fontanilla SUNOD-SUNOD ang pelikula ni Ralph dela Paz matapos bumida sa advocacy film …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Lani Misalucha

Lani balik-concert stage para sa isang timeless music at artistic excellence

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAITUTURING na grand comeback ang pagbabalik sa concert scene ng Asia’s …