PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga
MASAYANG-MASAYA si Direk Jun Robles Lana at ang buong The IdeaFirst Company dahil ang pelikula nilang Big Night ang tanging Filipino film na nakapasok ngayong taon sa New York Asian Film Festival, na nagdiriwang ng 20th anniversary.
Ayon sa social media post ng IdeaFirst na ini-repost din ni Direk Jun, “#BigNight in New York! MMFF 2021 big winner BIG NIGHT will be making its way to the Big Apple! Watch BIG NIGHT in its New York premiere this July 15-31 in this year’s New York Asian Film Festival!”
Ang Big Night ang itinanghal na Best Picture sa 2021 Metro Manila Film Festival at si Direk Jun ang nanalong Best Director at Best Screenplay. Wagi rin ang bida nitong si Christian Bables ng Best Actor at si John Arcillang Best Supporting Actor kasama ang ilan pang technical awards.
Nagkaroon ng world premiere ang Big Night sa Tallinn Black Nights Film Festival sa Estonia noong Nobyembre 2021.
Bahagi rin ang Big Night ng isinasagawang Pelikulaya: International LGBTQIA+ Film Festival na inorganisa ng Film Development Council of the Philippines kasama ang isa pang pelikula ng The IdeaFirst Company na Gameboys The Movies starring Elijah Canlas at Kokoy de Santos. Mapapanood ang Big Night at Gameboys The Movie sa FDCP Cinematheque Centre Manila.