Thursday , June 4 2026
Raymond Gutierrez

Raymond ‘di antipatiko kaya pag-amin ‘di malaking issue

HATAWAN
ni Ed de Leon

BUKOD sa pag-amin ni Raymond Gutierrez sa kanyang social media account na may boyfriend nga siya sa Los Angeles, kaya naglalagi siya roon, bukod sa maraming projects na ginagawa niya rin, may ibinigay pa pala siyang interview kay Jessica Soho at kay Will Dasovich, na inamin niya ang lahat at inilabas niya ang detalye ng kanyang pagiging gay.

Inamin niya ang hirap noong panahong bago siya mag-come out. Iniisip kasi niya ang image ng kanilang pamilya, at ang image lalo na ng kanyang kakambal na si Richard. Pero nang umamin naman siya, natanggap iyon ng mga tao, kasi si Raymond iyong lovable ang dating, hindi antipatiko. Ang dami riyan, lalo na iyong mga nagladlad lately na antipatika pa ang dating sa publiko, kaya ang pag-come out nila pinag-usapang parang isang malaking tsismis.

Kung hindi lang antipatiko ang mga iyan. Ok lang sana eh, pero kanino pa ba sila magmamana?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …