Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nic Galano Catriona Gray

Newbie singer Nic Galano pangarap makapareha si Catriona Gray

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

HINDI itinigil ng baguhan at guwapong singer na si Nic Galano ang kanyang pangarap na maging mahusay at sikat na mang-aawit kahit pa hindi siya pinalad na makapasok bilang finalist sa unang season ng Idol Philippines, ang ABS-CBN reality singing competition na pinagwagian ni Zephanie Dimaranan noong 2019.

Nakapasok po ako sa audition pero hindi po ako pinalad na makaabot po sa finals. Pero nandito pa rin po ako ngayon kumakanta po. Mahilig po akong maggitara and nagba-busking din po ako sa probinsya namin sa Isabela. Kumakanta rin po ako sa mga restaurant at may gigs din po ako roon. Nag-upload din po ako ng songs ko sa YouTube channel ko,” sabi ni Nic nang pumirma siya ng kontrata sa ARTalent Management kamakailan.

Kaya naman nagpapasalamat si Nic dahil may manager na siya ngayon sa katauhan ni Doc Arthur Cruzada, na inilunsad ang ARTalent Management kamakailan.

Na-discover po ako ni Doc Art noong ipakilala po ako sa kanya ni Atty. Ton. Nagpapasalamat po ako na napasama ako rito sa ARTalent. Naniniwala po ako na matutulungan ako ni Doc Art sa aking music career. At matutulungan din niya ako sa aking physical appearance at personality,” ani Nic.

Bukod sa pagma-manage ng talents, nasa beauty business din kasi si Doc Art, na owner ng Queen Eva Salon & SPA.

Sino naman ang gusto ni Nic na maka-collaborate na singers?

Si Moira Dela Torre po. Gusto ko pong maka-duet siya sa worship songs po. And ‘yung Kamikazee po, ‘yung songs po nila ang una kong kinakanta.” 

Dahil sa angking kaguwapuhan, charm at talent, nasabi namin kay Nic na pwede rin siyang mag-artista. At dito na inamin ni Nic na gusto rin pala niyang sumabak sa pag-arte.

Pangarap ko rin pong umarte at makita sa TV para ma-proud po sa akin ang family at friends ko po.”

Kung bibigyan siya ng pagkakataon na mamili ng kanyang magiging leading lady, sino sa mga sikat na female celebrities ang gusto niyang makaperaha?

Si Catriona Gray po. Isa po siya sa hinahangaan ko na babae dahil sa kanyang talino at ganda. Inspired din po ako sa kuwento ng buhay niya, kung paano po siya naging matulungin at humble noon hanggang ngayon, at isa rin po siya sa pinakamagandang babae sa buong mundo para sa akin,” sagot ni Nic.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …