HARD TALK
ni Pilar Mateo
NAPAATRAS si Presidente Rodrigo Roa Duterte, nang saglit niyang kausapin ang nagkamit ng medalya sa katatapos na South East Asian Games na ginanap sa Vietnam kamakailan.
Si Mafy Singson. Na tinanong ni PRRD kung ano ang handicap sa sports niya na golf. “Zero po!
“Ang lahat na golfers na amateur mayroon tinatawag na handicap. Ibig sabihin kung ano ang scores mo lagi roon ibe-based ang handicap. It only applies sa mga amateur. Ang mga professionals like Tiger Woods, wala silang handicap.”
‘Yan ang paliwanag ng ama ni Mafy na kilalang-kilala natin bilang kilabot ng mga kolehiyala gaya nina Hajji Alejandro at iba pa, na si Chad Borja.
Kaya nagpakuwento na ako kay Chad sa journey ng anak.
“I introduced the game to her when she was 7 yrs old. Lagi kaming magkasama maglaro. Pinasali namin siya sa mga tournament dito or kahit saan sa buong Pilipinas. Kita namin na she likes golf so much. Hindi siya nananalo noong bata pa siya but she continued her passion and sobrang focus sa kanyang disiplina. In fact may isang hole rito sa Apo (Davao) na mga 120-150 yards. ‘Di n’ya kayang abutin at since may lake or water before the green laging nahuhulog ang kanyang bola. Pero sabi ko sa kanya don’t worry, someday maabot mo rin ‘yan.
“I remember telling her na if she will be a big star in golf and ‘pag sumali siya sa malalaking tournaments someday and ‘pag nanalo kaya n’ya makabili ng kotse, bahay etc. baka pumasok sa isip n’ya ito. Hahaha.
“We never scold her when she plays bad but instead we encourage her more to practice more. Ngayon ‘di na namin kailangan pagsabihan kasi parang nasa system na n’ya na mag-practice kahit mainit man ang area or umuulan, tuloy pa rin siyang maglaro.
“She plays alone and carries her golf bag. Malaking papasalamat namin sa ICTSI (Enrique Rasons company) thru coach Bong Lopez kasi kinuha s’ya sa team when she was only 11 yrs old. Ito ang pinakamasakit sa amin kasi hinatid namin s’ya sa Manila since roon ang team and tournaments. Umiyak kaming parents and Mafy cried din kasi na-separate na s’ya sa amin 11 yrs old palang.
“Maraming parents na nagsabi na bakit namin ginawa ‘yun. We believe kasi na we had to do it para masuportahan ang dream ni Mafy. Masakit ang first year pero nagtatawagan kami thru video call and until naka-adjust na kami and lalo na s’ya. Ngayon nasanay na s’yang maging independent. As a parent slowly nakikita ko na she’s almost there, she’s been winning tournaments lately. She’s only 18 yrs old and I guess by this this time she really knows what she wants. We are happy for her achievements.
“The team won bronze last Seagames in Hanoi Vietnam, she was with LK Go and Rianne Malixi.
“Kaya noong tinanong s’ya ni presidente anong handicap n’ya and when she answered zero parang napaatras. Ibig sabihin magaling. Hahaha.
“In life I guess the most important is you do what you love. And Mafy loves golf and slowly maraming gustong tumulong sa kanya kasi kung kami lang ‘di namin kaya ang gastos. Thanks sa lahat na tumutulong sa anak ko, the coaches, Bong Lopez, Boyet Zaragosa and Miko Alejandro.”
Proud ang Dad!
“Aalis s’ya next week to join US junior golf tournaments in San Diego, Florida, Las Vegas and many more.”
At muli na naman siyang iiyak. Dahil maiiwan naman siya sa anak na si Aby who’s pursuing naman her career as a musician sa Sony Records.