Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arjo Atayde

Arjo likas ang pagiging matulungin

JAMPACK lagi ang rally at pagbabahay-bahay ni Arjo Atayde sa District 1 ng Quezon City. Patunay na nakikita sa kanya ang pagiging totoo at matulungin.

Hindi rin naman kuwestiyon ang galing niya sa pag-arte. Pero mas may higit pa sa pagiging artista niya. Artista siya pero hindi ganoon ka-showbiz sa pagtrato ng kapwa. Napakaganda ng puso-mabuting anak, kapatid at kaibigan at higit sa lahat-napakaganda ng values. Salamat sa kanyang hands-on parents na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde na nagturo sa kanya ng values ng good life at takot sa Diyos.

Masasabi nating bata pa si Arjo pero napaka-aggressive at passionate siya sa mga gusto niyang gawin at maabot. At kahit baguhan siya sa politics may maganda siyang vision para sa kanyang constituents sa District 1 ng Quezon City na tumatakbo siyang Congressman. Tulad ng kanyang slogan na AKSIYON AGAD- napatunayan na niya sa lahat na ganito siya. Hindi ba’t nang malaman niyang kailangan ng nasabing distrito ng mga emergency vans, nag-donate siya ng mahigit sa 20 sasakyan.

Nang magkasunog din sa nasabing lugar, agad siyang nagpadala ng tulong, naghanap ng masisilungan para sa mga aprktadong pamilya. Alam ni Arjo kung ano ang dapat niyang unahin at nakatitiyak ang distrito uno na umpisa pang ang mga tulong na ito at mas marami pa siyang ibibigay sa oras ba mahalal bilang congressman.

Hindi ako nangangako ng langit at lupa-sa abot ng aking makakaya ay gagawin ko ang lahat para makatulong. Mas marami akong opportunity na makatulong ‘pag nakaupo ako as your Congressman. Ayokong maging mahusay na politiko-gusto kong maging mabuting public servant,” giit ni Arjo.

Ang maganda pa kay Arjo, kahit ang mga kasamahan niyang artista ay bilib sa kanya. Napaka-brilliant kasi naman niya.

Sa kabilang banda, ang kanyang girlfriend na si Maine Mendoza ang isa sa biggest supporters at inspirasyon ni Arjo. At kahit kaming mga taga-showbiz alam namin ang kapasidad niyang tumulong at maglingkod nang mabuti .

Napakapropesyonal ding kausap ni Arjo at napakasarap katrabaho. Very honest and hard-working Tiyak na maipagmamalaki ng District 1 ng Quezon City si Arjo ‘pag nanalo ito bilang kanilang congressman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …