Saturday , August 23 2025
Rose Lin

Vote buying cases vs Rose Lin, sabay-sabay nang umuusad

LUMABAS na ang subpoena laban sa kandidatong kongresista na si Rose Lin tungkol sa 290 counts ng vote-buying na inihain sa Office of the City Prosecutor ng Quezon City.

Kasama ni Lin sa mga ipinapatawag ng hukom ay ang mga kasabwat nito sa malawakang pamimili ng boto sa District 5, Quezon City.

Sa nilagdaang subpoena ni Assistant Prosecutor Jerome Christopher Feria, binibigyan ang kampo ni Lin hanggang 17 Mayo 2022 upang sumagot sa mga alegasyon ng pamimili ng boto. Sa kasalukuyan, nagsusuma-total na ang kaso sa paglabag sa Omnibus Election Code (Section 261) ni Lin sa 600 counts ng vote buying, conspiracy to bribe voters, at pakikialam sa Election Code.

Sa inihaing reklamo ng mga concerned citizen sa Novaliches at youth groups noong 11 Abril 2022, tahasang inamin ni Lin ang kanyang modus sa pagbili ng boto na itinatago sa likod ng ayuda o scholarship.

Ang kanyang mga statement ay naere pa sa kanyang Facebook Live. Nauna nang nagpalabas ng subpoena ang Commission on Elections (Comelec) laban kay Lin tungkol sa 237 counts ng vote buying.

Natanggap na rin niya ang summons para sagutin ang kanyang disqualification case. Nakatakda ngayong 6 at 16 ng Mayo, ang petsa ng pagsagot ni Lin tungkol sa mga alegasyon.

Nangako ang Comelec na mabilis nilang dedesisyonan ang mga kaso.

Sa panayam kay Comelec Commissioner George Garcia, “‘Pag mayroon na siyang counter affidavit at ‘yun naman pong naghain ng reklamo ay puwedeng mag-file ng reply sa sagot ng inireklamo. Pagkatapos no’n submitted na for decision. So puwede na po natin itong madesisyonan kung sa palagay namin ay may probable cause para dalhin ang kaso at sampahan siya sa korte.”

Iginiit ni Garcia, may kaparusahan itong isa hanggang anim na taong pagkakabilanggo kung napatunayang naganap ang krimen ng vote buying.

Patuloy na itinatanggi ni Lin ang mga akusasyon at itinuro sa mga kalaban ang bintang sa kabila ng kaliwa’t kanang formal complaints.

Hinamon ng kampo ng mga Vargas si Lin na wag nang magturo at sagutin sa korte ang kanyang mga kaso.

Sabi ni Rhodora Salazar, chief of staff ni Vargas, “Ang mainam, dalhin nila ito sa Comelec at patunayan ang mga paratang. Kitang-kita ang lahat ng isyu na ipinupukol nila sa amin ay pawang likha ng kanilang madilim na imahinasyon dahil sa laylay nilang kampanya. Alam po ng mga tao sa buong Quezon City kung sino ang dayo at bagong salta!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Marilao Bulacan Police PNP

P2.3-M ‘hot meat’ nasamsam, 7 timbog sa Marilao, Bulacan

NASAKOTE ang pitong indibidwal matapos maaktuhan ng mga awtoridad na naglilipat ng kahon-kahong ‘hot meat’ …

Nueva Ecija PPO, PNP PRO3, Prison

Senglot naghuramentado, arestado

MABILIS na napigilan ng pulisya ang isang marahas at posibleng pagdanak ng dugo nang maghuramentado …

Philippine Drug Enforcement Agency PDEA

Drug bust sa Bulacan: 3 big time tulak nalambat

ARESTADO ang tatlong bigtime drug peddlers na pinaniniwalaang sangkot sa bulk distribution ng shabu na …

Pag-IBIG

Pag-IBIG Fund Investment Income Jumps 52% in First Half of 2025

Pag-IBIG Fund earned ₱4.27 billion from its investments in the first half of 2025, up …

Congress Hotshots UP University of the Philippines

Hotshots ng 20th Congress, nakipagsanib-puwersa sa UP para sa resilience at innovation

TINAGURIANG “Congress Hotshots” — sina Kinatawan Brian Poe (FPJ Panday Bayanihan Partylist), Javi Benitez (Negros …