Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gina Alajar Prima Donnas

Direk Gina tuloy ang monitor sa mga ‘anak’

RATED R
ni Rommel Gonzales

KAHIT tapos na ang Prima Donnas , tuloy ang pagmomo-monitor ni direk Gina Alajar sa kanyang mga “anak.” 

“Of course, yes! Oo tuloy ang pagmo-monitor ko sa kanila. They know that.”

May mensahe si direk Gina sa kanyang mga “anak” na kinabibilangan nina Jillian Ward, Will Ashley, Althea Ablan, Bruce Roeland, Sofia Pablo, Allen Ansay, Vince Crisostomo, at Elijah Alejo.

“In general na lang siguro.  Basta never stop learning. Never say to yourself na, ‘Okay na ako rito, kampante na ako rito, alam ko na ito.’

“Lagi ‘yan, acting is 24/724/7 education ‘yan. You never stop learning. You never rest on your laurels, you never get tired of learning. Kung gusto n’yong (magtagal) dito pa.

“Kung gusto n’yong tumagal sa business na ito. And most of all ‘yung ngayon sa tingin ko, ngayon secondary ang may talent, number one is dapat mahusay ang pakikisama mo sa lahat.

“Dapat alam mo kung paano… you must be concerned about other people, not only yourself. Hindi ikaw ang laging sentro ng atensyon.

“Hindi ikaw, it’s not all about you. They should remember that.

“It should be about people, it should be knowing kung ano ‘yung needs or knowing kung paano tumatakbo ‘yung whole production.

“Na kung paano ka makaka-contribute para mapagaan ang production. Hindi ‘yung paano ka aasikasuhin ng production.

“Para lang maging komportable ka. It’s the other way around.

“And siguro kapag natutunan nila ‘yan, kapag na-balance nila ang dalawang ‘yan people will love them and that’s it!

I mean you will go a long way. Pero kung ngayon pa lang pasaway ka na and pabigat ka na sa production, I tell you, people talk, you know.

“People talk, madaling kumalat ang mga bali-balita.

“And I hope walang magkaganoon sa mga bata.

“Disiplinado naman ang mga ‘yan, eh. Dapat alam din nila sa sarili nila kung kailan sila nag-o-overboard, you know,” mahabang paliwanag ni Direk Gina.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …