Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlo Biado 10 Ball

Biado lalahok  sa National 10 Ball Tour sa Naga City

BABANDERAHAN ni dating World Champion Carlo Biado ang mga kilalang cue masters sa bansa  sa pagsargo  ng National 10-Ball Tournament sa Mayo 3 hanggang 7, 2022 sa Robinson’s Mall sa Naga City.

Si Biado, 38.  Isa sa paboritong kalahok dahil sa magagandang inilalaro nito sa abroad partikular sa United States na kung saan ay ilang major tournaments ang sinungkit niya.

Ang Rosario, La Union native Biado ay napahanay sa kasikatan ni  Bata Reyes  sa mundo ng pool world matapos gibain  si Jayson Shaw ng UK, 11–7, para magkapeon  sa men’s 9-ball event ng 2017 World Games  sa Wroclaw, Poland.

Sa parehong taon ay tiibag niya ang kababayang si Roland Garcia, 13–5, para maghari sa 2017 WPA World Nine-ball Championship sa Doha, Qatar.

Matindi ang naging laro ni Biado noong 2021  nang pulubusin niya  si Aloysius Yapp ng Singapore, 13–8, para mapasakanya ang U.S. Open Pool Championship upang maging kauna-unahang Filipino matapos ang 27 years na maghari si Double World Champion Efren “Bata” Reyes.

“I hope to do well in this event,” sabi ni Biado na pangungunahan ang bansa sa nalalapit na 31st Southeast Asian Games (SEAG) sa Hanoi, Vietnam ngayon Mayo.

Ang nasabing event na inorganisa ni Raymund Faraon ay may total pot prizes  P400,000.

(MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …