Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Nite DJ Janna Chu Chu Sephy Francisco

John Nite, Sephy, at DJ Janna Chu Chu na-enjoy ang Rancho Bravo

MATABIL
ni John Fontanilla

NAG-HOLY WEEK sina John nite, Barangay LSFM DJ Janna Chu Chu, at singer na si Sephy Francisco sa napakagandang Rancho Bravo Natural Farming sa Teresa, Rizal nina Pete and Cecille Bravo.

Kasama nilang nagbakasyon siang ilang miyembro ng Ka-fam na sina Raoul Barbosa, Jeffrey Dizon, Ninang Erlinda Sanchez, Ninong Benjamin Rosario Montenegro with Xiantel, Tita Marita and Tito Dan, Tita Theng Corbe, Christian Corbe, Arwyn Rodrigo at ang buong pamilya nina Mr Pete and Mrs Cecille na sina Jeru, Maricris, Miguel, Mathew,at Mamita Hazel Tria.

Nag-station of the cross paakyat sa Grotto ang buong grupo noong umaga  at sabay-sabay na  nag-rosary.

Nag-enjoy ang grupo sa napakalaking jacuzzi na halos kasya ang 30 katao at nilibot din nila ang buong farm na mayroong dancing ostrich, tupa, swan, turkey, sawa, rabbit, kabayo, baboy, manok, kambing at iba’t ibang klase ng isda (hito, tilapia atbp.).

Na-enjoy din ng grupo ang masasarap na pagkain mula sa gulay at prutas na galing mismo mga nakatanim sa farm.

Nangako ang buong grupo na sa susunood na taon ay doon ulit nila magma-Mahal na Araw at magbabakasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …