Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Torres Pasional

Andrea ratsada muli sa shooting ng international movie

RATED R
ni Rommel Gonzales

TULOY na muli ang shooting ni Andrea Torres para sa kanyang international movie na  Pasional.

Lumipad patungong Naga City ang Kapuso actress at mula roon ay tutungo naman siya sa  Caramoan para roon kunan ang ilang eksena sa pelikula.

Ang Pasional ay may mga eksenang kukunan sa Pilipjnas at sa bansang Argentina.

Kamakailan ay personal na ini-welcome ni Andrea ang kanyang Pasional co-star na si Marcelo Melingo pati na rin ang buong production team ng pelikula nang dumating ang mga ito sa Pilipinas.

Nitong nakaraang 2021, si Andrea ang nagtungo sa Argentina at namalagi roon ng dalawang linggo upang kunan ang ilang eksena.

Gaganap si Andrea  bilang si Mahalia, isang tango dancer at jury member para sa International Tango Dance Festival samantalang si Marcelo naman ay gaganap sa papel ng isang biologist.

Ang pelikula ay co-production ng Malevo Films at GMA Network.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …