Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Christian Bables Vince Rillon

Christian at Vince tie sa Asian Film Festival

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

PAREHONG masaya at proud sina Christian Bables at Vince Rillon matapos silang mag-tie bilang Best Actor sa katatapos na 19th Asian Film Festival na ginanap sa Rome, Italy.

Nanalo si Christian sa pagganap niya bilang si Dharna, isang gay beautician na gagawin ang lahat matanggal lang ang pangalan niya sa drug watchlist sa 2021 Metro Manila Film Festival Best Picture na Big Night directed by Jun Robles Lana at produced ng The IdeaFirst Company. Si Christian din ang pinarangalang Best Actor sa MMFF 2021.

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Christian ang kasiyahan at pagpapasalamat. Aniya, “Thank you so much for this honor and recognition @asianfilmfestival !

“Kindly extend my utmost gratitude to everyone involved in the 19th Asian Film Festival, most especially the jury.

“Congratulations to us @theideafirstcompany !

“Couldn’t thank you enough Direk Jun Robles Lana and Direk Perci Intalan for always believing in me. Love you both infinitely!

“To my managers Tito Boy Abunda, @didocamara , @joanneangeles , Jeff Ambrosio and @katieleytly salamat sa lahat lahat.”

Nagwagi naman si Vince sa pagganap niya bilang binatang magnanakaw na nilabanan ang kanyang walang-puso at corrupt na boss sa pelikulang Resbak na idinirehe ni Brillante Mendoza.

Maraming salamat po, Lord God, at mas lalo ko pa pong pagbubutihin ang lahat ng aking tatahakin sa industriya,” post ni Vince sa kanyang social media account.

Samantala, pinarangalan namang ng naturang award giving body ng Best Film ang crime thriller movie na On the Job: The Missing 8 na idinirehe ni Erik Matti.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …