Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Hipon Girl Herlene Budol Lee O'Brian

Herlene Hipon napasabak ng Inglisan kay Lee O’Brian

RATED R
ni Rommel Gonzales

DALAWANG viral superstars ang magsasama sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPKo Magpakailanman.

Ibinahagi kasi ng reality show star na si Rose Vega ang kanyang buhay sa episode na pinamagatang Fiancée or Financier: The Rose Vega Story.

Ang actress at comedienne na si “Hipon Girl” Herlene Budol naman ang magbibigay-buhay sa kanyang kuwento.

Unang beses nilang nagkakilala sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com na napag-usapan nila ang tungkol sa upcoming #MPK wepisode.

“In-expect ko talaga noong una na masaya lang. Ang lungkot pala ng buhay mo rin, ‘te,” sambit ni Herlene kay Rose.

“Oo nga eh. Pero okay lang ‘yun,” sagot sa kanya ni Rose na nanantiling positibo.

Napagdesisyonan daw ni Rose na ibahagi ang kuwento ng kanyang buhay para makapagbigay ng inspirasyon sa iba.

Bukod kasi sa karanasan niya sa Amerikanong nobyo at ang reality show na sinalihan nito, mapapanood din sa episode ang mga pinagdaanan ni Rose bilang ina na mag-isang nagtataguyod sa kanyang anak.

“For me kasi, gusto ko lang i-share sa lahat ng tao na kahit single mom ka, may magagawa ka, may mararating ka,” paliwanang niya.

Dahil sa pagganap niya sa episode, pakiramdam ni Herlene na mas nakilala niya ang reality show star.

“Masaya ako na may natutunan ako sa buhay mo kasi ginanapan kita. Sobrang na-appreciate kita. Solid, saludo ‘ko sa ‘yo,” mensahe ni Herlene kay Rose.

Makakasama ni Herlene sa episode ang aktor na si Lee O’Brian, na kilala ng nakararami bilang asawa ng Kapusocomedienne na si Pokwang. Si Lee ang gaganap bilang ang Amerikanong nobyo ni Rose.

Nag-enjoy si Herlene na makatrabaho si Lee kahit na medyo nahirapan siyang makipagsabayan sa pag-i-Ingles nito kapag nag-uusap sila sa labas ng kanilang mga eksena.

“Sobrang bait talaga niya. Hindi porke’t iba ‘yung lahi niya, iba ‘yung ugali niya. May mga common na rin. At saka feeling ko talagang turo ni Mamang Pokie ‘yun na talagang komedyante rin [si Lee]. Feeling ko nga mas komedyante pa. Mas natatawa nga ako sa kanya kaysa sarili ko. Ang galing! Magaling po si Mr. Lee,” papuri ni Herlene sa co-star.

Ikinaaliw din niya na marunong mag-gay lingo si Lee.

“Dream ko rin kasi na makasama si Mamang Pokwang. Parang nakasama ko na rin pala sa mga vibes niya kasi marunong mag-gay language. ‘Yung foreigner nagge-gay language, benta,” ani Herlene.

Abangan ang pagbibigay-buhay nina Herlene at Lee sa buhay ni Rose sa fresh at brand new episode na Fiancée or Financier: The Rose Vega Story, sa April 9, 8:00 p.m. sa #MPK.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …