Sunday , December 22 2024
Jaclyn Jose Cloe Barreto

Jaclyn Jose, ibubugaw ang sariling anak sa pelikulang Tahan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG award-winning actress na si Jaclyn Jose ay gaganap sa mahalagang papel sa pelikulang Tahan. Ito’y mula sa 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo na tila sunod-sunod ang mga pelikula ngayon.

Bukod kay Jaclyn, tampok dito sina Cloe Barreto at JC Santos.

Gaganap si Jaclyn sa Tahan bilang nanay ni Cloe na ibinugaw sa prostitusyon ang sariling anak sa murang edad nito.

Matatandaang nakaganap na sa mga ganitong tema ng pelikula ang beteranang aktres tulad sa Flesh Avenue, White Slavery, Private Show, at ang pinakahuli ay sa Anak ng Macho Dancer ni Direk Joel Lamangan na pinagbidahan ni Sean de Guzman.

Sa ginanap na story conference ng naturang pelikula, nabanggit ni Ms. Jaclyn na hindi siya namimili ng makakatrabaho, kahit baguhan pa o veteran ang mga ito.

Wika ng premyadong aktres, “First time ko silang makakatrabaho and hindi po ako namimili ng mga katrabaho. Kasi, minsan din naman akong naging baguhan. Ang mga nakasama ko dati noong nagsisimula ako ay hindi naman nila ako tiningnan nang mababa or baguhan.

“Kung ano po iyong ibinigay nila sa akin ay gaoon din po ang suporta at respeto na ibibigay ko sa mga baguhan.”

Dagdag pa niya, “I will never get tired of working with the newcomers because I was once there.”

Nang usisain kung ano ang gusto niya sa mga nakakatrabaho lalo na sa mga baguhan, nabanggit ni Ms. Jaclyn na mag-focus sana sila sa trabaho at pag-aralan ang role na gagampanan kapag nasa set na.

“Siyempre, pagdating sa set, we are what we are portraying na, in character na dapat. Pagkatapos po ng take, ng shoot, balik na po tayo agad-agad sa ating pagkatao. Kasi, kapag ganitong may pandemya, mabilis po ang trabaho.

“So, kinakailangan naka-focus po tayo. Kasi, hindi po tayo puwedeng matagal, kailangan medyo alam na po natin kahit paano kung ano na po ang gagawin natin. Ibi-brief naman po tayo at saka ang script po,” paliwanag niya. 

Aniya pa, “So, ang ini-expect ko po sana, kung maari ay pati sa sarili ko rin po, kasi nasa gitna ako ng soap, eh. Hindi pa po ako nakakalabas doon sa ginagawa ko. Pagdating po sa trabaho, trabaho po… iyon lang po.” 

“Puwede rin naman pong magsaya. Hindi naman ibig sabihin maging ano tayo, let’s enjoy and work, para smooth and maganda po,” sambit pa ni Ms. Jaclyn. 

Sa pelikulang ito na pamamahalaan ni Direk Bobby Bonifacio Jr., gaganap si Cloe bilang si Elise na isang high class escort na maraming sikreto sa buhay.

Si Elise ay kabit ng isang wealthy businessman at isang babaeng adik sa sex. Kung sino-sinong lalaki ang nakaka-wrestling niya sa kama, iyong iba ay binabayaran siya, yung iba ay trip niya lang maka-sex.

Masalimuot ang pinagdaanang buhay ni Elise, dahil mismong sarili niyang ina (Jaclyn), ang nagbugaw sa kanya mula nang siya ay 11 years old pa lang.

Sa Tahan ay balik-bida na ang aktres na matatandaang nagpakita nang husay sa launching movie niyang Silab ni Direk Joel Lamangan.

Tampok din dito sina JC Santos, Quinn Carrillo (na siyang sumulat din ng script nto), Mercedes Cabral, Karl Medina, AJ Oteyza, Mac Cardona, EJ Salamante, Joseph San Jose, at Stiff Banzon.

Ang executive producers ng Tahan ay sina Ms. Janilyn Carrillo at John Bryan Diamante

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …