Sunday , December 22 2024
Usaping Bayan ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD

Peke pala

USAPING BAYAN
Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

LUMABAS na ang tunay na kulay ng mga nagkukunwa’y progresibo.

Imbes suportahan ang kandidato na tulad nila ang pinaniniwalaan pagdating sa mga usapin ng ekonomiya, politika at kultura ay mas pinili nilang ayudahan ‘yung kandidato na nagsusulong ng neoliberalismo, isang sistema na makadayuhan at nagpapahirap sa ordinaryong mamamayan.

Ito ang aking napagtanto matapos kong mapakinggan si Ka Leody De Guzman, isang lider manggagawa na tumatakbo para sa pagkapangulo ng bansa, matapos makapanayam o ma-interview.

Napansin ko na ‘yung mga minamantra o usapin na inilalaban ni Ka Leody ay ipinangangalandakan rin ng mga umano ay progresibong kilusan pero bakit nag-iisa si Ka Leody? Bakit hindi siya ang sinusuportahan ng mga umano ay progresibo?

Bakit ‘yung mga pulahan daw at maka-rosas ay nasa kampo ni Leni na isang neoliberal at wala sa kampo ni Ka Leody gayong ang kanyang layunin ay isulong ang mga usapin na umano’y bitbit ng mga kuno’y progresibong kilusan? Bakit ngayon, kayong mga ‘progresibo’ ay makadayuhan? Bakit kayo maka-neolibral na ugat ng kahirapan ng bayan? Nasaan ang sinasabi ninyong pagmamahal sa uring manggagawa, sa mga magsasaka, at maralitang tagalungsod?

Hahahahaha! Nakatatawa kayo.

Dapat malaman ninyo na ang kulay rosas na bandila na iwinawagayway ng mga na tagasunod ni Leni ay kulay ng mga sosyal-demokrata, ‘yung mga hilaw na sosyalista, sa Europa. Kunwari ay nakikibaka para sa bayan pero maka-sistema pala kaya isinusuka sila ng mga totoong progresibo.

Status quo o kasalukyang ‘di patas na sistema rin pala ang habol nito kahit ano pang retorika tungkol sa pagbabago ang isinisigaw nila sa kanilang mga rally. Kaya huwag pagogoyo, bayan!

Gusto ko lang ipaliwanag uli na ang neoliberalismo ay isang sistemang pang-ekonomiya at politikal na nagmula sa kanluran. Isang Austriano-Ingles ang utak nito, si Friedrich von Hayek.

Ayon sa siste ni Hayek, dapat ay bigyang layaw ang walang patumanggang pagkahayok at pamamayagpag ng kapital sa pamamagitan ng deregulasyon at “minimum state interference,” na niyakap ng America at ipinipilit sa mga kaalyadong bansa nito.

Sa ilalim ng sisteng ito, bawal makialam ang pamahalaan sa kilos ng kapital. At dahil ang esensiya ng pangangapital ay ang pagkakamal ng tubo, ito ang dahilan kaya maliit ang sahod ng mga manggagawa at empleyado, nawawalan ng proteksiyon ang bayan laban sa mga biglaang pagtaas ng halaga ng bilihin at dahil din dito ay nagiging malaganap ang korupsiyon. (Ito ang dahilan kaya para sa inyong lingkod ay hindi korupsiyon ang problema bagkus ito ay sintomas ng mas malalang suliranin).

Ang neoliberalismo rin ang dahilan kaya walang gamot sa mga pampublikong pagamutan dahil hindi puwedeng suportahan ng pamahalaan. Ang suporta ng pamahalaan sa mga pagamutan at klinikang bayan ay itinuturing na pangingialam ng pamahalaan sa kapital.

Bakit ibenenta ang Petron, bakit nawala ang food terminal, samahang nayon, ISMI, Kadiwa atbp? Bukod sa ito ay programa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, ama ni Bongbong Marcos, ito’y dahil sa deregulasyon ng neoliberalismo.

Ayon sa mga neoliberal, kailangang gawing pribado ang lahat ng sektor at tanging indibidwal lamang na may tangan ng kapital ang dapat magpapasya para sa ating lahat.

Kaya labis na kamangha-mangha ang pagsuporta ng mga pekeng progresibo kay Leni. Hahahaha natatawa ako sa mga “Banal na Aso, Santong Kabayo.” Nangangalingasaw kayo!

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …