Thursday , December 19 2024
Navotas
Navotas

11 Public school buildings, pinasinayaan sa Navotas

PINANGUNAHAN ni Navotas Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco ang blessing at inauguration ng 11 four-storey public school buildings sa lungsod na may kabuuang128 classrooms.

Ang bawat isa ng Tanza National High School, San Roque National High School, San Rafael Technological and Vocational High School, at Navotas Elementary School – Central ngayon ay may karagdagang four-storey building na may 12 classrooms.

Ang San Roque at San Rafael Village Elementary Schools ay may isa pang gusali na may walong classrooms, habang ang Kapitbahayan Elementary School ay may 24 karagdagang classrooms.

Samantala, ang Tangos National High School at Tangos Elementary School 1 ay kapwa may dalawang four-storey buildings na may kabuuang 20 bagong classrooms.

“Our students have been studying at home for two school years now and we know they are excited to come back and physically attend their classes. We want them to be comfortable and safe while in school,” ani Mayor Tiangco.

Ang Navotas ay isa sa mga unang school divisions sa bansa na nag-post ng 100 percent pagpapatupad ng pinalawak na face-to-face classes.

Lahat ng 25 pampublikong elementarya at secondary schools at isang pribadong paaralan sa lungsod ay nagbukas para sa personal na pag-aaral.

“Education has always been our priority that is why we see to it that all projects and programs under the education sector continue even amidst the pandemic,” ani Cong. Tiangco.

Noong 2021, nakuha ng Navotas ang Seal of Good Education Governance para sa mga pagsisikap nitong isulong ang patuloy na pag-aaral. Kinilala rin ng Kagawaran ng Edukasyon ang NavoSchool-in-a-Box (NavoBox) ng lungsod bilang isang modelo para sa blended learning delivery at ginamit bilang benchmark ng ibang mga lungsod sa buong bansa. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Lito Lapid Coco Martin

Coco pag-isipang mabuti pagpasok sa politika

HATAWANni Ed de Leon KINUKUMBINSI raw ni Lito Lapid si Coco Martin na pumasok sa politika. Paanong papasok si …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …