Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rhian Ramos Kris Bernal

Kris natulala kay Rhian, inaming na-intimidate

RATED R
ni Rommel Gonzales

MATAGUMPAY ang naging world premiere ng pinakabagong GMA Afternoon Prime series na Artikulo 247 na pinagbibidahan nina Rhian Ramos, Kris Bernal, Benjamin Alves, at Mark Herras.

Pero bago pa ang pilot episode ng series noong Lunes (March 7), may madamdaming online post na ang isa sa bida ng serye na si Kris tungkol sa nabuong pagkakaibigan nila ng kanyang co-star na si Rhian.

Sa isang Instagram post, inamin ni Kris na intimidated siya noong una kay Rhian lalo na sa mga unang eksena nila sa pinagbibidahang series.

Kuwento niya, “I’m not sure I’ll ever be able to express how grateful and fortunate I am to have had the opportunity to work with you, @whianwamos.

“During my first scenes with you, I must admit that you intimidated me. Kahit gaano ko ka-memorize ang mga linya ko, nakakalimutan ko at nawawala ako. Ganun kalala!.”

Pagpapatuloy naman ni Kris, lahat ng ilangan ay nawala habang tumatagal ang kanilang pagsasama sa lock-in taping at nang mas makilala pa ang isa’t isa.

Aniya, “However, as we shared more scenes together, you made me feel like I belonged, that you could be a friend, and generously gave me control over our scenes.”

Nagpasalamat pa si Kris kay Rhian sa pagiging totoo at mapagbigay nito habang sila ay nasa taping bubble.

“Thank you so much for sharing your heart with me. Everyone should see how talented you are as an actress. And, thank you for being so generous, loving, caring, silly, and strong not only to me but to the entire #Artikulo247 team,” ani Kris.

Dagdag pa niya, “It’s been difficult for me to find someone at work with whom I can truly be myself, but I’m delighted I was able to be myself with you. I love to see things go well for you and will always be one of your cheerleaders!”

Sang-ayon naman kay Kris ang kapwa Kapuso actress na si Carla Abellana na nakasama rin ni Rhian noon sa seryeng Love of My Life.

Ganyan yan si Rhi pagdating sa work. Never selfish,” komento ni Carla sa Instagram post ni Kris.

Sa pilot episode ng nasabing serye, ipinakilala na ang mga karakter nina Rhian bilang si Jane Ortega na isang aspiring accountant at si Kris bilang si Klaire Almazan na trophy wife ng CEO ng G&M accounting firm na si Alfred Gomez na ginagampanan naman ni Victor Silayan.

Subaybayan ang Artikulo 247, araw-araw pagkatapos ng Little Princess, 4:15 ng hapon sa GMA Afternoon Prime.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …