Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aga Muhlach Tara Game Agad Agad NET 25

Aga thankful sa NET 25 sa pagbibigay ng shows sa kanya

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

NAGPAPASALAMAT si Aga Muhlach sa NET 25 dahil sa patuloy na pagtitiwala at pagbibigay ng shows sa kanya.

Naipagpapatuloy ni Aga ang pagbibigay ng saya at papremyo sa maraming tao ngayong season 2 ng hino-host niyang game show na Tara Game Agad Agad!

I’m truly grateful and happy na tuloy-tuloy ‘yung kasiyahang naibibigay namin. Habang tumatagal ‘yung show, nakikita ko kasi ‘yung mga contestant na sumasali sa amin, I see joy. They always talked about ‘yung nangyayari na naghihirap sila, hirap na hirap sila sa buhay ngayon. And knowing that there is a game show na nag-e-enjoy sila, ‘yung mga problema nakakalimutan nila, and at the same time mayroon silang nakukuhang pera na naibibigay agad-agad. So, para sa akin ‘yun at isa ‘yun pinakamagandang nangyayari,” sabi ni Aga.

Hindi sila tumitigil ng NET 25 sa pag-iisip ng improvements sa show. “We’re working on more sponsorship para we can give more prizes. I’m thankful sa NET 25 dahil nag-iisip kami parati ng things and pati ‘yung pera na ipinamimigay nila. Rito sa season 2 may idinagdag kami na home viewers, so kahit sino na nasa bahay lang nila at nanonood sa telebisyon pati sa Facebook at YouTube account ng NET 25 ng ‘Tara Game Agad Agad!’ will now have the chance to win P5,000,” masayang balita ni Aga.

Sa Tara Game Sagot Agad! may chance na manalo ng P5,000 at cellphone load kahit nasa bahay lang kayo. Manood lang ng Tara Game Agad Agad simula umpisa hanggang matapos, upang makuha ang mga sagot sa dalawang (2) Tara Game questions of the night.

Panoorin kung paano mag-register at abangan ang Tara Game Agad Agad! tuwing Linggo, 7:00 p.m., sa NET 25!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …