Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Anne Curtis Luv-Anne

Anne babalik sa concert scene; It’s Showtime ‘di iiwan

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

INANUNSIYO ni Anne Curtis sa kanyang Instagram na magbabalik na siya sa concert scene sa pamamagitan ng virtual docu-concert niya na Luv-Anne!

Ayon sa caption ng IG post ni Anne, “A very special docu-concert for everyone I LUV! Join me as I share bits and pieces of my life in the past two years. Plus! I just might have some surprise fierce, fun and fab performances! G? LuvANNE na LuvANNE na! I’m vack mga vaaaacks!!! Luv-Anne!”

Mapapanood ito 8pm (Philippine time) sa April 30, 2022 via KTX.ph at vivamax.net. Ang ticket prices ay VIP (with Virtual Meet & Greet) – Php1,750.00 at Regular – Php999.00. For inquiries, contact Viva at (0917) 182-5560 via Viber and WhatsApp.

Samantala, sabi pa ni Anne ay nalalapit na rin ang pagbabalik niya sa It’s Showtime matapos siyang batiin noong birthday niya ng kanyang co-hosts sa show sa pangunguna ni Vice Ganda.

Matagal ding nawala si Anne sa showbiz dahil nanganak siya kay Baby Dahlia. Pero lalo pang natagalan ang pagbabalik niya dahil sa pandemya.

Sa isang tweet sinabi ni Anne na hinding-hindi niya iiwan ang It’s Showtime. “As I told my ‘Showtime’ family during a private conversation. I will never leave ‘It’s Showtime.’ Been with them since day 1 and will be them until the day comes that the show has to say goodbye.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …