Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Ara Mina Lorna Tolentino TikTok

Paggiling ni Sharon pasabog, fans nagre-request ng more videos

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

GUMAWA na ng TikTok account si Megastar Sharon Cuneta at ikinatuwa ito ng kanyang fans at supporters.

Ang unang TikTok entry ni Sharon ay video ng pagsayaw niya ng I’ll Be Missing You kasama ang mga kaibigan at FPJ’s Ang Probinsyano co-stars na sina Ara Mina at Lorna Tolentino.

Ipinromote pa niya ito sa kanyang Instagram. “Due to insistent public (your!) demand (NAAAKS!) – sige na nga gagawa na ako ng TikTok account ko! Eto na muna ang isa pa na ginawa naming tatlo ng Ate kong napakahumble na reyna @lornatolentinofernandez at ng sis kong si @therealaramina na tulad ni lablab kong si @therealrosannaroces ay aminado nang ako na ang sex symbol ngayon dito pahinga na muna sila at malaki na kinita nila – kagabi bago sila umalis papuntang Manila! Uwi na rin po ako ngayon. March na uli kami magsasama-sama ng pinakamamahal kong pamilya sa #fpjsangprobinsyano !!! Enjoy!!!”

Nang isulat namin ito ay mayroon nang mahigit sa 6,000 followers at mahigit sa 15,000 combined likes ang official TikTok account ni Sharon na @sharon_cuneta12. Mayroon ng apat na entries si Sharon at ang most watched video niya ay ‘yung nagsu-swimming siya sa pool na mayroon ng mahigit sa 260k views.

Nakatutuwa na nakikipag-interact din si Sharon sa fans at followers niya sa TikTok. Komento ng isang fan sa swimming video niya, “Pati pag langoy nyo ang expensive”

Sus naman anak lublob lang!” reply ni Sharon.

Nagre-request din ang fans niya ng more videos at may nag-suggest pa na lagyan niya ng hashtags ang entries niya. Ang sagot ni Sharon, “Oo nga anak thank you! Di pa ko marunong masyado magtiktok papaturo pako kay ara!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …