Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sanya Lopez

Sanya binigyan ng political adviser, decorum ng first lady itinuro

RATED R
Rommel Gonzales

AMINADO si Kapuso actress Sanya Lopez na challenging para sa kanya na gampanan ang karakter ni Melody Reyes bilang First Lady.

Ayon kay Sanya, mas malapit sa kanyang tunay na sarili si Melody noong katulong pa lamang ito ng mga Acosta.

Aniya, “Mas challenging po talaga maging First Lady. ‘Yung ‘First Yaya’ po kasi medyo malapit-lapit pa talaga kay Sanya ‘yung character, eh. Unlike now, ‘yung pagiging ‘First Lady,’ medyo inaaral-aral ko pa po.”

Sa katunayan, kumuha pa ang First Lady ng political advisers sa set para maturuan si Sanya ng proper decorum ng isang first lady.

Bukod kina Sanya at Gabby Concepcion, makakasama rin sa First Lady sina Alice Dixson at Rocco Nacino.

Gagampanan ni Alice si Ingrid Domingo, ang dating love interest ni President Glenn. Samantala, si Rocco naman ay si Mayor Moises Valentin.

Ayon kay Rocco, masaya siya na muli niyang makakasama si Sanya sa isang proyekto. Silang dalawa kasi ang love team sa requel ng Encantadia noong 2016.

“[Melissa’s] very supportive, alam niya kapag trabaho, trabaho. And kilala naman niya si Sanya, she’ met her a few times already,” saad ni Rocco tungkol sa kanyang asawang si Melissa Gohing.

Panoorin ang World Premiere ng First Lady, ang sequel sa number 1 program ng 2021 na First Yaya, sa Valentine’s Day sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …