Wednesday , May 7 2025
Teejay Marquez

Teejay hirap na hirap sa pinagbidahang movie

MATABIL
ni John Fontanilla

GRABE ang hirap ni Teejay Marquez sa kaabang-abang na pelikulang Takas dahil maraming pisikal na eksena ang ginawa nito.

Nandiyang gumulong sa putikan na ‘di nito naisip na baka may bubog at matatalas na bagay, hilain habang nakahiga sa masukal na gubat, masampal ng ilang beses at marami pang iba.

Pero nagawa nito ang nasabing mga eksena dahil masyadong nagustuhan niya ang pelikula at character na kanyang ginampanan.

Role ng isang sikat na artista na kinidnap at ikinulong ng isang obssesed na fan ang ginampanan ni Teejay, samantalang si Miss World Philippines 2021 Second Princess Janelle Lewis ang babaeng fan.

First time gumawa si Teejay ng pelikulang may temang  psychological thriller. Ito ay idinirehe ni Ray An Dulay.

About John Fontanilla

Check Also

Ali Asistio

Vivamax actor Ali Asistio walang limitasyon sa paghuhubad 

MATABILni John Fontanilla MASUWERTE ang si Ali Asistio dahil sunod-sunod ang pelikulang ginagawa niya sa Vivamax. Kasama si Ali …

Nick Vera Perez Parte Ng Buhay Ko

Nick Vera Perez abala sa promosyon ng ikaapat na album 

NASA bansa ngayon si Nick Vera Perez para sa kanyang ikaapat na album, ang all-original at all-new OPM …

Kiray Celis Mother P1-M Van

Kiray brand new van iniregalo sa ina (pagkaraang magbigay ng P1-M)

MATABILni John Fontanilla NAPALUHA ang ina ng actress/ businesswoman na si  Kiray Celis sa sorpresang ibinigay nito …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama …

Coco Martin FPJ Panday Bayanihan

Coco Martin, buong-pusong suporta sa FPJ Panday Bayanihan sa Pangasinan

BUONG PUSONG inendoso ng aktor na si Coco Martin ang FPJ Panday Bayanihan Partylist. Sa …