Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janella Salvador

Janella sa mga nanghihinayang sa kanya — I’m still me, I’m still who I am

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Janella Salvador sa Youtube channel ni Ogie Diaz, ay sinabi niya na hindi siya sayang, gaya ng sinasabi ng ibang netizen after niyang mabuntis at magkaanak. Na umano ay malaki ang naging epekto nito sa kanyang showbiz career.

Sabi ni Janella, “Roon ako nati-trigger. Kasi, hindi naman ako sayang, eh. I’m still me. I’m still who I am. I’m still Janella Salvador. I can still sing. I can still act. I can still work. Bakit sayang, ‘di ba?

Wala naman nabago sa ‘kin so walang sayang. ‘Pag naging nanay ka na, hindi ka sayang. I can still do everything that I want to do. Na-delay lang nang kaunti, pero kaya ko pa rin gawin and gagawin ko pa rin.” 

Ayon pa kay Janella, ang pagiging isang ina ay hindi nangangahulugan na ang buhay ay over na.

I’ve never felt more alive. Parang ngayon nagsisimula ‘yung buhay ko, ngayon na kasama ko na si Jude (anak nila ni Markus Paterson). Katabi ko na si Jude,” aniya pa.

Ipinaliwanag pa ng aktres na walang problema sa pagiging isang ina kung ikaw ay ready na at magiging isang mabuting magulang.

Some people still look down on it pero ang sa akin, as long as you are a good parent, as long as you are a good mom, you’re financially able to raise your child, emotionally ready ka, walang problema.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …