Sunday , December 22 2024

Tax recovery charges sa booking apps services, legal ba?

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

HINDI lingid sa kaalaman ng marami ang pagkalugi ng napakaraming negosyo simula nang umatake ang nakamamatay na virus — CoVid-19 — hindi lamang sa bansa kundu pati sa buong mundo.

Katunayan dahil sa mabilis at malawak na pagkalat ni CoVid-19, kaya nagdeklara ang World Health Organization (WHO) ng pandemya. Maraming negosyo ang naapektohan, maraming manggagawa ang nagutom etc.

Pero ngayon o nitong nagdaang taon simula nang may bakuna na, unti-unting nagbukasan ang mga bumagsak na negosyo bagamat hindi pa rin nakarerekober. Hindi pa rin nga masabi kung tuloy-tuloy na ang mga negosyo dahil hindi pa naman perpekto ang bakuna lalo na’t patuloy ang lumalabas na variant na may kaugnayan pa rin sa CoVid-19.

Ano pa man, malaki na rin ang naitutulong ng bakuna sa kabila ng lahat – oo, kahit na paano ay kumikita o nasa stage of recovery ang ilang establisimiyento. Nasa recovery stage na nga ba? Hindi pa siguro dahil nitong mga nagdaang linggo o nitong Diyembre 2021 ay marami na namang negosyo ang nagsara – kahit nga mga bansa ay nagsara dahil sa pag-atake ng Omicron.

Mabuti na lamang at madaling nakarerekober ang mga nahahawaan ng Omicron dahil mga bakunado na sila habang ang mga hindi bakunado ay – may bumagsak sa ICU at namatay.

Tulad nga nang nabanggit, maraming negosyo ang nalugi at sinisikap na makabangon ngayon pero tama ba sa paraang tax recovery charges, isa sa paraan ang pagbangon sa pagkalugi ng negosyo?

Mayroon nga ba tayong tax recovery charges sa bansa o kung mayroon man, sa paanong tamang paraan ang implementasyon nito? Ang mabigat pa kasi nito ay sa customer naka-charge ang buwis.

Higit sa lahat, damay sa paniningil o napagkakamalang naniningil ng recovery tax ay mga establisimiyento o hotels. Yes, walang kinalaman ang mga hotel kung hindi ang gumagawa ng charges na ito ay ang mga booking apps na may permiso sa pamunuan ng hotels.

Halimbawa na lamang kung magpapa-reserve ka ng kuwarto sa hotel sa Baguio City ngayong panahon ng pandemya, may booking apps services na naglalagay ng recovery charge tax bilang kasama sa total ng bayaran mo. Kung sakaling P3,000 per night ang kinuha mo. Hindi lang ito ang total bills mo kung hindi mayroon pang 10% service charge (okey lang ito, mayroon naman talaga ito sa iba) pero anng mabigat na inilalagay ng extra charge ng ilan booking apps services ay almost 50% ng room rate mo. So iyong P3,000 na room per night ay magiging P4,300.

Tinawagan ko nga ang isa sa hotel na nalagyan ng ganitong uri ng charges ng isang booking apps services. Nagulat po sila dahil wala naman silang ganoon klaseng singilan o charges sa kanilang customer. Katunayan, ginagawa nga raw nila ang lahat ng mababang presyo “promo” para makapag-enganyo ng maraming kustomer na tumuloy sa kanila sa pagbabakasyon sa Baguio.

So, malinaw po na walang kinalaman dito ang mga hotel at sa halip, may ilang booking apps services na gumagawa nito — ito iyong sa pamamagitan ng online reservation.

Hayun, kaya pinayohan tayo ng hotel management na mas maigi pang direkta nang tumawag sa kanilang opisina para magpa-reserve para maiwasang ‘mabudol’ sa bulok na estilo ng ilang booking apps services.

Sa estilong ito ng booking apps services, nadadamay tuloy ang mga hotel na wala naman kinalaman – iyan ang dahilan kung bakit tayo napatawag sa ilang hotel sa Baguio para ipaalam ang ganitong estilo ng ilang booking apps services bukod sa inalam din kung may kinalaman sila sa tax recovery charges. Ang sagot nga nila (hotel management) ay wala silang ganitong uring charges at lalong wala silang kinalaman sa charges na ito.

Attention Bureau of Internal Revenue (BIR), paki-imbestigahan ang estilong ito ng ilan booking apps services.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …