Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Claudine Barretto Mark Anthony Fernandez Deception

Mark Anthony at Claudine walang ilangan sa Deception

MATABIL
ni John Fontanilla

AFTER 27 years, muling nagtambal sa pelikula ang ex-couple na sina Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto sa pelikulang Deception hatid ng Borracho Film Production at Viva Films na idinirehe ni Joel Lamangan.

Huling nagtambal sina Claudine at Mark sa pelikulang Mangarap Ka na ipinalabas noong 1995, kaya naman nang i-offer sa kanila ang drama-mystery film na Deception, ‘di na sila nagdalawang-isip at agad nila itong tinanggap.

Ayon kina Claudine at Mark, matagal na nilang gustong magkatrabaho. At kahit medyo matagal na hindi nagkasama sa trabaho ay wala namang ilangan na nangyari nang sumabak na sila sa shooting. Nakatulong ‘yung past relationship nila para magampanan ng maayos at makatotohanan ang kani-kanilang character na ginagampanan.

Kaya naman naging smooth at walang aberya ang kanilang shooting at napakaganda ng kinalabasan. 

Sobrang nagpapasalamat sina Claudine at Mark Anthony kay Atty. Topacio ng Borracho Film Production dahil natupad ang pareho nilang pangarap na magkatrabaho muli.

Mapapanood na sa Jan. 28 ang Deception  sa  Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …