Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bianca Umali Ysabel Ortega Johnny Manahan Mr M Gabbi Garcia Sanya Lopez Khalil Ramos Derrick Monasterio Miguel Tanfelix Ruru Madrid

Bianca, Ysabel, Gabbi, Sanya, Khalil, Derrick, Miguel, at Ruru tiyak ang pag-sparkle ng mga career

RATED R
ni Rommel Gonzales

SA ginanap na media conference ng Sparkle’s next brightest stars for 2022, nagbigay ng payo ang kilalang pillar sa showbiz industry na si Johnny Manahan o Mr. M.

Ang online media conference na ito ay ginanap nitong January 14 na ipinakilala sina Bianca Umali, Ysabel Ortega, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Khalil Ramos, Derrick Monasterio, Miguel Tanfelix and Ruru Madrid bilang susunod na brightest stars ng 2022.

Ayon kay Mr. M, para mag-sparkle ang isang artista sa mundo ng showbiz ay kinakailangan nitong harapin ang lahat ng challenges at maging handa na magtrabaho nang mabuti.

If you want Sparkle, you have to up your game. It means that you have to do more work.”

Dugtong pa ni Mr. M, kailangan din na patuloy lamang sa pag-i-improve ng talento kapag nasa mundo ng showbiz.

You have to hone, you have to sharpen, you have to varnish your craft so that you’ll sparkle.”

Isa pa sa pinag-usapan sa media conference ay ang pahayag ni Mr. M kung bakit kinilala sina Bianca, Ysabel, Gabbi, Sanya, Khalil, Derrick, Miguel, at Ruru bilang brightest stars of 2022.

Actually,’yang walo na ‘yan, magagaling ‘yan. That’s why we picked them to be part of the gang of eight for Sparkle.”

Dugtong pa ni Mr. M ay mayroon silang characteristics para mag-sparkle sa industriya at patuloy nilang gagabayan ang mga ito sa kanilang mga career.

Ang masasabi ko lang dito, magaganda silang lahat, magagaling, and they are very smart. We just guide them, they do their thing. Nandiyan lang kami para gabayan sila.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …