SA muling pagsipa ng hawaan at pagdami ng kaso ng mga nagkaka-COVID-19 dala ng bagong uri nito na Omicron variant, nagpalabas ng mga bagong alituntunin si Quezon City Mayor Josefina “Joy” Belmonte upang masawata ang hawaan at mapangalagaan ang mga taong nakakuha ng virus sa lungsod.
Sa ilalim ng Memorandum No. 04-22 Guidelines for Community Case Management for COVID-19 Program, nailatag ni Mayor Belmonte ang mga dapat gawin sa mga dapat mag-home isolation para sa mga nakapitan ng virus, asymptomatic man o may mga mild na sintomas gaya ng pangangati ng lalamunan, may lagnat, ubo at sipon.
Ang mga nakasama o mga naging ‘close contacts’ ng may mga sintomas ay kailangan din i-monitor ang kalagayan ng kanilang mga kalusugan habang nagho-home quarantine.
Ang mga indibidwal na kumpirmadong may COVID-19 at kabilang sa mga ‘vulnerable groups’ gaya ng mga matatanda, may mga karamdaman, buntis, mga bata at mga di pa nabakunahan na mayroong ‘moderate’ o malubhang mga sintomas, ay uunahin mailipat agad sa ospital na pag-aari ng lokal na pamahalaan o kaya’y sa mga HOPE Community Care Facilities.
“Naiulat na sa amin na majority ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o kaya naman ay may mild symptoms. Ang mga Jason ganito ay kadalasang nakarerecover sa pamamagitan ng minimal intervention at maaalagaan sa kanilang mga tahanan lamang under proper medical guidance and monitoring,” paliwanag ni Mayor Joy Belmonte.
Ang mga guidelines o mga alituntunin para sa mga magho-home quarantine ay iisyuhan ng home quarantine order ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (QCESU) at automatikong mabibilang sa Community Case Management for COVID-19 Program at bibigyan ng Home Care Package.
Ang package ay may kasamang homecare Kit, hygiene kit, home care instructions handbook para sa araw-araw na monitoring at food assistance.
Ang mga kasama sa bahay ng pasyente na di pa kumpirmadong may COVID-19 ay bibigyan naman ng basic homecare kit, na naglalaman ng thermometer, face masks, paracetamol, lagundi tablets, ascorbic acid, at home care instructions handbook.
Sa mga nagpapositive sa COVID-19 naman ay makatatanggap ng karagdagang ‘homecare kit for COVID-19 positive patients’ na naglalaman ng alcohol, oral rehydration salts, pulse oximeter, vitamins, at mga gamit para sa adults at kabataan.
“Sa mga kits na ito, Hindi na mag-aalala ang ating mga residente kung paano gagaling. Magpofocus na lamang sila sa kanilang pamamahinga at pagpapalakas, upang masiguro na ang ibang taong nakapaligid sa kanila ay ligtas na sa virus,” paliwanag pa ng Mayora.
Bibigyan din ni Belmonte na ang home care instructions handbook, na pinamagatang “Gabay sa Pagtugon sa COVID-19 Para sa QCitizens” ay may mga impormasyon at mga paalala sa mga nagho-home isolation o quarantine, kabilang ang pagtatala ng kanilang mga temperatura at maging mga contact numbers ng kanilang mga barangays, healthcare facilities, at emergency hotline numbers.
Araw-araw din silang imo-monitor ng city government sa pamamagitan ng teleconsultation via BantAI COVID, o kaya naman ay ng mga health centers at mga ospital na pag-aari ng QC, at kung di man ang mga umiikot na mga Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs).
Ang Food assistance at iba pang supplies ay ipapadala rin sa mga naka-home quarantine o isolation.
Ang guidelines na inilabas ni Belmonte ay naayon sa inirekumindang panahon nga pagho-home isolation o quarantine na isinasaad ng Department of Health Department Circular No. 2022-0002.
Ang mga indibidwal na nag-positive ngunit mga asymptomatic o nakakaraanas ng mga mild symptoms ay gugugol ng sampung-araw (10) na pagka-quarantine anuman ang status ng kanila bakuna.
Ang mga ‘close contacts’ na mga bakunado na subalit asymptomatic o nakararanas ng mga mild symptoms ay kailangan kumpletuhin ang pitong-araw na isolation. At yaon namang mga di pa bakunado ay kailangan ng 14 days na isolation.
Ang kanilang mga tahanan ay ituturing na nasa ilalim ng Granular Lockdowns o Special Concern Lockdown, kaya’t di sila payagang makalabas.
Ang mga lalabag ay mahaharap saRepublic Act No. 111332 o ang Notifiable Diseases Act at iba pang may kaugnayan na mga batas at regulasyon.
Inaanatay pa ng lokal na pamahalaan ang panibagong kautusan ng DoH sa pagpapaikli ng isolation o quarantine protocols para sa mga bakunado na nagpositibo sa COVID-19 at ng kanilang mga close contacts.