Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Isko Moreno Jake Cuenca Kylie Verzosa

Jake malaki ang hawig kay Yorme

HARD TALK
ni Pilar Mateo

NAKAPAGKUWENTO si Jake Cuenca sa guesting niya sa podcast na OAGOT (OVER A GLASS OR TWO) streamed live from New York, USA na ngayon ay aware na siya talaga na may pagkakahawig nga sila ni Yorme Isko Moreno.

‘Yun daw ang napansin ng mga tao sa pagsakay niya sa katauhan ng politikong si Troy sa Viral Scandal.

Noon pa may mga nagsabi na nga sa akin na may hawig kami ni Yorme. Maski noong bagong artista pa lang ako. But this time, sa character ko, physically may pagkakahawig pero kapag nagsalita na ako eh, iba na rin.”

Masasabing kuntento sa buhay niya ngayon sa piling ng kasintahang si Kylie Versoza si Jake.

Sa Boracay nga nila mas pinili na mag-celebrate ng milestones sa buhay niya.

But when it comes to our health and wellness, talagang masahe ang hanap namin ni Kylie. So, we found our sanctuary sa The Farm at San Benito. Roon kami madalas to unwind, just relax and chill.”

Hindi pa naman nila napag-uusapan ni Kylie ang mga bagay tungkol sa paglagay sa tahimik o pagsisimula ng pamilya. 

We’re just going with the flow. And I have realized na as I mature, everything’s going okay naman. In living a life with no regrets.”

May tatlong taon na ngang magka-relasyon sina Jake at Kylie. Na nang magkakilala ay parehong may ka-relasyon. Pero pinagtagpo at itinadhana pa ring maging sila. 

Nakukulangan pa pala si Jake sa mga napag-aralan na niya sa mga kursong kinuha sa New York the past years. At nakatabi lang ang konseptong gustong-gusto niyang gawin kapag siya na ang magdidirehe ng pelikula niya. 

Some kind of youth-oriented. Kaya gusto ko aral muna uli.”

Aminado rin si Jake na as time went by, nag-mature na siya sa maraming bagay. 

Sumabay na ‘yung emotional journey and happy na ako with what ‘am seeing, what I’ve been through.”

Where his being an actor is concerned, alam na natin ang lalim at kahusayan ni Jake sa kanyang mga ginagampanan.

Ano pa kaya ang susunod? 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …