Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mark Herras

Mark ginamit ang pagkawala ng magulang para makaiyak

INAMIN ni Kapuso actor Mark Herras na totoong naiyak siya habang nasa isang eksena ng Magpakailanman o #MPK sa Mars Pa More kamakailan.

Ito’y ibinahagi ng aktor matapos itanong sa kanya sa Lightning Laglagan segment ng naturang morning show kung kailan ang huling beses na siya’y nag-break down.

Sa isang eksena sa taping ng ‘MPK (Magpakailanman).’ Parang I need to cry sa scene, naging totoo talaga.”

Paliwanag niya, “Sa first take, humingi si Direk… sabi niya, ‘Mark, I need another one.’ Nag-take two kami kasi gusto niya raw mas maramdaman ‘yung emotion.

“So, actually ang eksena kasi is hiniwalayan ako ng girlfriend ko pero ang kinuha kong emotion… I just remembered my parents noong namatay sila. So, as one na lang ‘yon.”

Ayon pa kay Mark, lubos ang kanyang pag-iyak at pumipiyok-piyok pa ang kanyang boses habang nasa eksena.

Aniya, “During the scene talagang iyak, iyak, iyak, as in. ‘Yung salita ko pumipiyok-piyok na ako, which is… I don’t do that everytime I do a crying scene. More on talagang acting lang pero humugot ako that time.”

Tinanong naman ni Mars Iya Villania-Arellano kung paano nakabitaw ang dating StarStruck Ultimate Male Survivor sa eksenang iyon.

Pagka-cut, hinga lang. ‘Yun naman ‘yung kaya kong gawin, kaya ko naman bumitaw agad. Mabigat lang talaga after that,” sagot ni Mark.

Dagdag pa niya, “It’s been a while na humugot ako ng malalim talaga.”

Abangan ang mga hugot na acting ni Mark sa upcoming Artikulo 247ng GMA.

(Rommel Gonzales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …